2-anyos na bata, patay matapos mahulog mula sa ika-20th floor ng isang apartment building
US

2-anyos na bata, patay matapos mahulog mula sa ika-20th floor ng isang apartment building

• Nalaglag mula sa ika-20 palapag ng isang apartment ang isang 2-anyos na bata sa US

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

• Idineklarang patay ang bata sa mismong lugar ng insidente

• Mga kapitbahay ang nagdalamhati at nagbanggit ng mga sirang bintana sa gusali

• Patuloy ang imbestigasyon sa posibleng dahilan ng aksidente

Jovydas Dobilas on Pexels
Jovydas Dobilas on Pexels
Source: Original

Nasawi ang isang 2-anyos na bata matapos mahulog mula sa bintana ng ika-20 palapag ng isang apartment building sa US.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nangyari ang insidente noong nakaraang weekend sa Elizabeth Towers sa Newark, ayon sa ulat ng NBC News.

Idineklarang patay ang bata sa pinangyarihan.

Nagluksa ang mga kapitbahay at sinabi nilang mabigat sa loob ang nangyari.

Ayon sa isang kapitbahay, malaki raw ang bintana at ilang araw lang ang nakalipas ay naglaro pa siya kasama ang bata.

Ayon sa artikulo ng PhilSTAR Life, isa pang residente ang nagsabi na siniguro raw ng pamunuan ng gusali na ligtas ang unit niya dahil naglagay sila ng window guards bago siya tumira doon.

Read also

K-Pop star, dinala sa hospital matapos manlaban sa isang kawatan na pumasok sa kanilang bahay

Tiniyak niyang maayos ang mga bintana sa kanyang lugar.

Gayunman, iniulat ng NBC New York na nakita nila ang ilang sirang bintana sa gusali.

May mga butas na tinakpan ng garbage bag at mayroon ding tila karton at plywood ang ginamit. May isang bintana raw na may malaking siwang at walang takip.

Patuloy ang imbestigasyon para malaman kung paano nangyari ang aksidente at kung may kapabayaan na naganap.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa malungkot na kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

Magkasintahan natagpuang wala nang buhay sa loob ng bahay sa Quezon City

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: