Sikat na lalaking New York-based TikToker, pumanaw sa edad na 20
US

Sikat na lalaking New York-based TikToker, pumanaw sa edad na 20

  • Pumanaw ang 20-anyos na influencer at TikToker na si Chase Filandro
  • Kumpirmado ang balita mula sa pamilya, na nagluluksa sa biglaan at di-inaasahang pagkawala
  • Kilala si Chase bilang malikhaing content creator, aktor, at bokalista ng isang indie rock band
  • May libu-libong followers sa TikTok at Instagram at nag-iwan ng inspirasyong hindi malilimutan
Chase Filandro/@chase_fil on Instagram
Chase Filandro/@chase_fil on Instagram
Source: Instagram

Pumanaw ang 20-anyos na influencer at TikToker na si Chase Filandro.

Kinumpirma ng kanyang pamilya ang malungkot na balita sa pamamagitan ng pahayag na ibinahagi ng kanyang kapatid na si Franki Ford sa Instagram.

Ayon sa pamilya, labis nilang ikinagulat at ikinalungkot ang biglaan at hindi inaasahang pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.

Inilarawan nila si Chase bilang isang malikhaing artist na may walang hangganang talento at personalidad na nakakahawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kilala rin siya sa kanyang sigla at saya na nadama ng lahat ng kanyang nakasalamuha, maging sa personal man o online.

Ayon sa pamilya, malalim ang pagmamahal ni Chase sa sining at sa kalikasan.

Read also

Jessie J, balik ospital matapos magkaroon ng impeksyon makalipas ang kanyang cancer surgery

Dahil sa kanyang pagiging bukas at totoo, nakabuo siya ng matibay na koneksyon sa maraming tao.

Naniniwala silang magpapatuloy na magniningning ang alaala at inspirasyon ni Chase sa puso ng lahat ng kanyang naantig sa kabila ng kanyang maikling buhay.

Si Chase ay isang content creator na nakabase sa New York City.

Mahilig siyang mag-post ng POV skits sa TikTok, kung saan nakakuha siya ng mahigit 27,000 followers, at travel photos sa Instagram na umabot sa higit 30,000 followers.

Bukod sa pagiging social media personality, isa rin siyang amateur actor at bokalista ng Just Add Water, isang five-member indie rock band.

Ayon sa pamilya, bagama’t napakalaki ng kanilang kalungkutan, nakakapagbigay sa kanila ng ginhawa ang kaalamang hindi kailanman malilimutan ang naiwan niyang sining at pagmamahal.

Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.

Read also

Kyle Echarri, sinagot ang tsismis tungkol sa kanila ni Piolo Pascual

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Read also

Ninong Ry, lilisanin na ang kanyang kitchen studio bunsod ng paulit-ulit na pagbaha

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: