Misis sa UK, kumikita sa umano'y pagpapahiram ng kanyang asawa

Misis sa UK, kumikita sa umano'y pagpapahiram ng kanyang asawa

- Isang ginang sa United Kingdom ang umano'y kumikita sa pagpapahiram ng kanyang mister

- Nagsimula umano sa isang post na pawang pagbibiro lamang niya ito

- Subalit laking gulat niya nang marami ang sumeryoso dahilan para kumita siya ng may katumbas na Php3000 kada isang natatapos na serbisyo ng mister

- Sa katunayan, marami na rin silang natatanggihan dahil sa loaded na schedule at bookings nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isang ginang sa United Kingdom ang aminadong kumikita at tila naging pangkabuhayan na ang umano'y pagpapahiram ng kanyang mister.

Misis sa UK, kumikita sa umano'y pagpapahiram ng kanyang asawa
Photo: James and Laura Young
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na ito ay si Laura Young, at ang mister naman niyang si James ang bahagi ng kanyang 'Rent my handy husband' business.

Nagsimula lamang ito nang mag-post si Laura sa social media patungkol sa pagpapahiram ng kanyang mister.

Kaya naman laking gulat niya nang makitang marami ang sumeryoso sa post at talagang nangangailangan ng serbisyo ng kanyang asawa.

Read also

Ogie Diaz, sa umano'y away nina Barbie at Debbie; "Baka naman may mas mabigat na rason"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Paglilinaw niya, pawang mga house repairs ang ginagawa ng mister. Taliwas sa mga malisyosong isipan ng taong nag-aakala na kakaibang serbisyo ang ginagawa ng kanyang asawa.

Kaya naman mapa-babae, may asawa o wala at maging lalake at 'himihiram' sa asawa ni Laura.

Dahil sa dami ng kanilang nais na maging kliyente, natatanggihan na rin umano nila ang ilan sa mga nangangailangan ng serbisyo ng kanyang asawa.

Tumataginting na Php3,000 ang katumbas na halaga ng mga nagagawang serbisyo ng mister.

Nagtatrabaho ito ng nasa 12 oras sa isang araw, anim na beses sa isang linggo.

Malaki ang pasasalamat ni Laura sa mister at sa naisipan nilang negosyo na siyang nagpagaan umano ng kanilang buhay.

Narito ang kabuuan ng kanilang kwento mula sa GMA News:

Samantala, kamakailan lamang ay naging usap-usapan din ang kakaibang kwento ng isang misis na diniborsyo ng mister matapos na pakainin ito ng instant noodles, tatlong beses sa isang araw.

Read also

Pretty Trizsa, emosyonal nang balikan ang lugar kung saan siya nanatili bilang homeless

Nangyari ito sa India kung saan hindi na nakapagpigil pa umano ang mister sa paulit-ulit na pinakakain sa kanya ng asawa gayung nagbibigay naman siya ng maayos na pambili ng kanyang grocery. Sinsabing sa almusal, tanghalian at hapunan ay instatnt noodles lang ang ipinakakain ng misis sa mister. Dahil dito, nagdesisyon na ang lalaki na hiwalayan na lamang ang kanyang asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel