Magkasintahan itinuloy ang kasal sa Barasoain Church sa kabila ng pagbaha
- Sa kabila ng baha sa loob ng simbahan, itinuloy nina Jao Verdillo at Jam Aguilar ang kanilang kasal sa Barasoain Church sa Malolos, Bulacan
- Matagal na nilang nareserba ang simbahan at naka-leave na sila sa trabaho bilang mga accountant kaya’t ayaw na nilang ipagpaliban ang seremonya
- Sa mga larawan ni Santi San Juan, makikita ang lampas-tuhod na tubig habang naglalakad ang entourage at panauhin kahit nakayapak
- Ayon sa bride at groom, “habagat at baha ka lang, nagmamahalan kami”
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Walang ulan o baha ang nakapigil sa kasalang Jao Verdillo at Jam Aguilar nitong Martes, Hulyo 22, sa Our Lady of Mt. Carmel Parish – Barasoain Church sa Malolos, Bulacan. Sa gitna ng lampas-tuhod na baha sa loob mismo ng simbahan, matatag nilang itinuloy ang seremonya ng pag-iisang dibdib.

Source: Facebook
Mula sa mga larawang kuha ni Santi San Juan ng Manila Bulletin, makikitang lumulubog sa tubig ang altar, aisle, at mga upuan—pero buo pa rin ang ngiti ng bride at groom habang pinapalibutan ng mga basang paa ang kanilang espesyal na araw. Ilang bisita ay tinanggal na rin ang kanilang sapatos at lumusong na lang sa baha para matuloy ang entourage.
Ayon kina Jao at Jam, dalawang taon na nilang naireserba ang sikat na simbahan, na kilala sa kasaysayan at sa hirap ipa-reserve, at naka-leave na rin sila sa trabaho bilang mga accountant. Kaya’t sa kabila ng matinding ulan at habagat, buo ang kanilang desisyong ituloy ang kasal. “Habagat at baha ka lang, nagmamahalan kami,” anila.
Hindi lang ito kwento ng pag-ibig, kundi ng tapang at katatagan. Sa panahon kung kailan ang iba ay kakanselahin ang kanilang kasal dahil sa kalikasan, pinatunayan nina Jao at Jam na mas matibay pa sa baha ang pag-ibig na pinanday ng sampung taon nilang pagsasama.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang kasalan sa gitna ng pagbaha nina Jao at Jam ay repleksyon ng mas malawak na isyung kinakaharap ng Pilipinas—ang paulit-ulit na problema sa pagbaha. Tuwing panahon ng tag-ulan, lalo na kapag may habagat o bagyo, nagiging madalas ang biglaang pagbaha sa mga urban at rural na lugar.
Sa kabila ng mga flood control projects at drainage improvements, maraming lugar pa rin sa bansa ang hindi handa sa matinding ulan. Ang epekto ng climate change, baradong kanal, at kakulangan sa urban planning ay ilan sa mga sanhi ng ganitong sitwasyon.
Kaugnay ng pananalasa ng habagat, higit 130 bahay ang nasira sa Negros Occidental dahil sa walang patid na ulan na pinalala ng Bagyong Crising.
“Mahigit 130 bahay, nasira dahil sa habagat at Bagyong Crising sa Negros” Apektado ang ilang barangay kung saan iniulat ang pagbaha, pagguho ng lupa, at paglikas ng mga residente. Nagsimula na rin ang relief operations para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan.
Samantala, isa ring kwento ng tapang sa gitna ng baha ang nag-viral kamakailan kung saan isang lalaki ang sumuong sa rumaragasang tubig upang sagipin ang batang tinangay ng agos sa Quezon City. “Lalaki, sumuong sa baha upang sagipin ang bata sa Quezon City” Sa Batasan Hills, QC, isang bata ang natangay ng malakas na baha dulot ng habagat. Sa tulong ng isang lalaking lumusong agad, nailigtas ang bata mula sa panganib.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh