Lalaki sumuong sa baha upang sagipin ang bata sa Quezon City

Lalaki sumuong sa baha upang sagipin ang bata sa Quezon City

  • Isang batang lalaki ang natangay ng malakas na agos ng baha sa Batasan Hills, Quezon City nitong tanghali ng Lunes, Hulyo 21 habang patuloy ang pagbuhos ng ulan dala ng habagat
  • Tumilapon ang bata sa isang bahagi ng kalsada na may malalim na butas kung saan mabilis ang agos ng tubig at doon siya unti-unting tinangay habang nanonood ang mga tao sa paligid
  • Isang lalaki ang hindi nag-atubiling sumuong sa rumaragasang tubig upang sagipin ang bata at matagumpay niya itong nailigtas sa tulong ng mga residente sa lugar
  • Ayon sa PAGASA, dulot ng habagat at dalawang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility ang patuloy na pag-ulan sa Metro Manila at karatig na rehiyon nitong mga nakaraang araw

Isang tensyonadong tagpo ang nasaksihan sa Batasan Hills, Quezon City nitong tanghali ng Lunes, Hulyo 21, nang tangayin ng rumaragasang baha ang isang bata sa gitna ng matinding buhos ng ulan. Agad na naalarma ang mga residente sa lugar nang makita ang batang unti-unting nawawala sa ilalim ng tubig dahil sa malakas na agos na dumadaloy sa isang bahagi ng kalsada na may malaking butas.

Read also

14-anyos na estudyante, kinidnap at ginahasa umano ng university instructor sa Baguio

Lalaki sumuong sa baha upang sagipin ang bata sa Quezon City
Lalaki sumuong sa baha upang sagipin ang bata sa Quezon City (📷Gayalac Jameek via K5 News FM Kalibo 94.5/Facebook)
Source: Facebook

Ayon sa mga nakasaksi, mabilis ang pagkakatangay ng bata at tila walang makakapigil sa agos ng tubig. Ngunit sa gitna ng tensyon at takot, isang lalaki ang hindi nagdalawang-isip na sumuong sa baha upang iligtas ang bata. Sa kabutihang palad, matagumpay niya itong nasagip at naiangat sa ligtas na lugar, bagay na ikinagalak at ikinagaan ng loob ng mga taong naroon.

Sa isang panayam, sinabi ng PAGASA na patuloy ang pag-ulan na nararanasan sa National Capital Region at iba pang bahagi ng Luzon dahil sa habagat na pinapalakas ng dalawang low pressure area (LPA) na nasa loob pa rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Ang isa ay nasa silangan ng southeastern Luzon habang ang isa naman ay nasa silangan ng Calayan, Cagayan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi na bago sa mga Pilipino ang mga balita ng pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Sa lungsod ng Quezon at iba pang bahagi ng Metro Manila, madalas na dahilan ng pagbaha ang baradong drainage, kakulangan sa maayos na urban planning, at kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura. Dagdag pa rito ang lumalalang epekto ng climate change na nagpapalakas sa mga habagat at bagyo.

Read also

7-anyos na bata, patay sa sunog sa Las Piñas matapos ma-trap sa banyo

Kahit pa may mga proyekto ang gobyerno gaya ng flood control systems, marami pa rin sa mga kababayan natin ang nalalagay sa panganib—lalo na ang mga kabataan—tuwing lumalakas ang ulan.

Ayon sa PAGASA, asahan pa rin ang pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit-probinsiya hanggang Martes dahil sa habagat. Dagdag pa rito ang impluwensya ng dalawang LPA na nagpapabigat sa ulan.

Samantala, sa Negros, higit 130 bahay ang nasira dahil sa walang tigil na ulan na dulot ng habagat at bagyong Crising: "Mahigit 130 bahay, nasira dahil sa habagat at Bagyong Crising sa Negros" Apektado ang ilang barangay sa Negros Occidental kung saan napaulat ang pagguho ng lupa at pagkasira ng mga tahanan. Marami ang napilitang lumikas dahil sa panganib.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: