Habagat magpaparamdam pa hanggang Martes sa NCR at Luzon
- Patuloy ang pagbuhos ng malalakas na pag-ulan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon hanggang Martes, Hulyo 22, ayon sa pinakahuling forecast ng PAGASA
- Habagat ang pangunahing sanhi ng tuloy-tuloy na ulan sa bansa kahit wala nang aktibong bagyo sa loob ng PAR, kung saan inaasahan pa rin ang malalakas na buhos na maaaring magdulot ng pagbaha
- Naglabas na rin ng paalala ang mga lokal na pamahalaan at ahensya ukol sa posibilidad ng pagbaha, kaya’t mariing pinapayuhan ang publiko na umiwas sa paglusong sa baha
- Ilang lungsod at probinsya sa Luzon at Visayas ang nagsuspinde na ng klase sa lahat ng antas para sa Lunes, Hulyo 21 bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga estudyante at teachers
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hindi pa rin tapos ang ulan sa malaking bahagi ng Luzon, partikular sa Metro Manila, dahil sa walang humpay na epekto ng southwest monsoon o habagat.

Source: Original
Ayon sa pinakabagong weather forecast ng PAGASA, mananatiling maulan ang kalakhang bahagi ng Luzon hanggang Martes, Hulyo 22, sa kabila ng paglabas ng bagyong Crising sa Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Sabado ng umaga.
Kahit wala na sa bansa ang bagyo, iniwan naman nito ang makapal na moisture na siyang pinapalakas ngayon ng habagat. Apektado ang National Capital Region (NCR), maging ang mga kalapit na lalawigan, kung saan inaasahan ang patuloy na malalakas na buhos ng ulan. Dahil dito, nagbabala ang PAGASA ukol sa posibleng pagbaha sa mga flood-prone areas, at pinayuhan ang publiko na mag-ingat lalo na kung kinakailangang lumabas ng bahay.
Ayon sa weather advisory, ipinapayo ang pagdadala ng payong, kapote, at iba pang panangga sa ulan, at mahigpit na paalala na umiwas sa paglusong sa baha upang makaiwas sa mga sakit gaya ng leptospirosis. Bukod pa rito, inanunsyo na rin ng ilang mga LGU sa Luzon at Visayas ang suspensyon ng klase sa iba't ibang antas para sa Lunes, Hulyo 21.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang panahon ng habagat ay isa sa mga pinaka-kritikal na bahagi ng tag-ulan sa Pilipinas. Kalimitan itong dinadala ng mga bagyong lumalabas ng bansa ngunit nagpapalakas sa hanging habagat, na syang dahilan ng sunod-sunod na pagbuhos ng ulan. Kahit wala nang aktibong bagyo, nananatiling malakas ang epekto nito sa araw-araw na buhay ng mga Pilipino.
Sa gitna ng matinding ulan, naging viral kamakailan ang isang kuwento ng dedikasyon ng mga teachers na tumatawid sa ilog habang umuulan, para lamang makapasok sa paaralan. Sa balita ng KAMI.com.ph, makikitang basang-basa sa ulan ang mga titser na may dalang gamit pangklase, tumatawid sa mapanganib na agos ng tubig. Ibinahagi ng netizens ang kanilang paghanga sa dedikasyon ng mga teachers na ito, na kahit delikado ang sitwasyon, patuloy sa pagbibigay ng edukasyon sa kabataan.
Samantala, sa Quezon City, nailigtas ang dalawang lalaki na na-trap sa loob ng isang imburnal habang bumubuhos ang ulan. Ayon sa ulat, matagal na silang nakulong at nahirapang huminga bago nasagip ng mga awtoridad. Isa na namang paalala ito kung gaano kadelikado ang baha sa lungsod, at ang pangangailangang manatiling alerto tuwing umuulan.
Sa mga susunod na araw, inaasahan na mas magiging maingat ang publiko sa kanilang galaw lalo na sa mga lugar na madalas bahain.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh