Teacher, dismayado sa kalat na iniwan ng mga botante sa loob ng silid-aralan

Teacher, dismayado sa kalat na iniwan ng mga botante sa loob ng silid-aralan

-Siya ay nagsilbing Electoral Board support staff at naiwang mag-isa para maglinis ng silid kalat sa kanyang classroom

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Siya ay nagsilbing Electoral Board support staff at naiwang mag-isa para maglinis ng silid

-Naganap ang insidente sa Poloyogan Integrated School sa Pagadian City, Zamboanga del Surng -mga botante

Naganap ang insidente sa Poloyogan Integrated School sa Pagadian City, Zamboanga del Sur

Mula sa paghahatid ng serbisyo sa mga botante hanggang sa paglilinis ng silid-aralan—isang teacher na si Raqueza Mortiz Jemino ang naging saksi sa kawalang-disiplina ng ilan matapos ang 2025 elections. Sa isang Facebook post, ibinahagi niya ang mga larawan at video ng kalat na iniwan sa kanyang classroom na ginawang polling precinct.

Teacher, dismayado sa kalat na iniwan ng mga botante sa loob ng silid-aralan
Teacher, dismayado sa kalat na iniwan ng mga botante sa loob ng silid-aralan (📷Raqueza Mortiz Jemino/Facebook)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Makikita sa kanyang post ang mga food wrappers, plastic cups, flyers, at iba pang basura na nakakalat sa sahig at mesa. Sa kabila ng pagkakaroon ng mga basurahan sa loob at labas ng silid, pinili pa rin umano ng maraming botante na basta na lamang iwan ang kanilang kalat.

Ayon kay Jemino, "Kadaghan sa basurahan sulod sa room pero, murag walay nakaila." Isang malinaw na pahiwatig ng kanyang pagkadismaya at pagkalungkot sa kawalan ng disiplina ng mga botante.

Si Jemino ay nagsilbing Electoral Board support staff sa Poloyogan Integrated School sa Pagadian City, Zamboanga del Sur. Matapos ang eleksyon, imbes na makapagpahinga, siya mismo ang naglinis ng silid-aralan. Para sa kanya, ang ginawa ng mga botante ay hindi lamang isang isyu ng kalinisan, kundi isang salamin ng kawalan ng respeto sa lugar ng edukasyon.

Hindi rin niya naiwasang ipahayag ang kanyang pagkadismaya, dahil ang silid-aralan ay hindi lamang basta lugar ng pagboto, ito rin ay isang sagradong espasyo ng pagkatuto para sa mga estudyante.

"The incident shows that bringing change doesn’t stop at the ballot. It also includes small actions, like cleaning up after ourselves," ani pa ni Jemino. Ayon sa kanya, malaki sana ang naitulong kung ang mga botante ay naging mas responsable sa kanilang kalat.

Ang Halalan 2025 ay isang midterm election na ginanap noong Mayo 13, 2025, kung saan milyun-milyong Pilipino ang bumoto upang pumili ng mga bagong senador, kongresista, gobernador, alkalde, at iba pang lokal na opisyal. Ang eleksyong ito ay isinagawa sa ilalim ng masusing pagbabantay bunsod ng mga kontrobersiya, disimpormasyon, at seguridad ng halalan.

Ang eleksyon ngayong taon ay itinuturing na barometro ng suporta sa administrasyon, gayundin sa epekto ng mga reporma at kontrobersiya sa pamahalaan. Lalong naging mahalaga ito dahil dito masusukat kung sino ang posibleng lumitaw bilang pangunahing kandidato para sa Halalan 2028. Bukod pa rito, malaking papel ang ginampanan ng midterm polls sa paghubog ng bagong liderato sa Senado at House of Representatives na may kapangyarihang magpasa o humarang sa mga panukalang batas ng Malacañang.

Isang botante ang hinimatay at kalaunan ay namatay matapos bumoto sa isang presinto. Ayon sa mga ulat, agad na dinala sa ospital ang botante ngunit hindi na umabot nang buhay. Ang insidente ay nagdulot ng pag-aalala sa kalusugan at kaligtasan ng mga botante, lalo na sa mga matatanda at may karamdaman.

Sumuko na ang pangunahing suspect sa pamamaril ng mga tagasuporta ng kasalukuyang alkalde ng Silay City. Ang insidente ay naganap ilang araw bago ang eleksyon at nagdulot ng takot sa mga residente. Ang pagsuko ng suspect ay inaasahang magbibigay-linaw sa kaso at magdudulot ng katarungan sa mga biktima.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate