Ina ng 4-anyos na nasawi sa NAIA tragedy, pinilit na makita ang anak
- Naihatid na sa huling hantungan ang apat na taong gulang na nasawi sa trahedya sa NAIA kamakailan
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
- Ang ina nitong hindi pa man nakalalakad ay pinilit na makita ang anak sa huling pagkakataon
- Mayo 4 nang gumulantang sa publiko ang trahedya sa NAIA na kumitil sa buhay ng dalawang tao habang ilan ay sugatan
- Naglabas ng saloobin ang ama ng nasawing bata na noo'y inihatid lamang siya sa NAIA kasama ang ina at ilan pa nilang kaanak
Bumuhos ang emosyon sa umano'y libing ng apat na taong gulang na nakilalang si Malia Masongsong na nasawi sa malagim na trahedya sa NAIA noong Mayo 4.

Source: Facebook
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa video na ibinahagi ng ABS-CBN, makikita ang paghihinagpis ng ina nitong si Cynthia Masongsong na sinikap na makita ang anak sa huling pagkakataon bago nila ito maihatid sa huling hantungan.
Bagama't naka-wheelchair pa, pinilit talaga ni Cynthia na masilayan si Malia na noo'y kasama niya sa malagim na trahedya.
Makalipas ang halos isang linggo mula nang mangyari ang trahedya, naihatid na sa kanyang huling hilayan si Malia sa Lipa, Batangas.
Sa hiwalay na ulat, naisalaysay ni Danmark ang pangyayari kung saan ka-chat pa niya umano noon si Cynthia nang makarinig ng malakas na kalabog.a hiwalay na ulat, naisalaysay ni Danmark ang pangyayari kung saan ka-chat pa niya umano noon si Cynthia nang makarinig ng malakas na kalabog.
Kinabahan na umano siya nang hindi na sumagot ang misis.
Ang kapatid niya na kasama rin na nakaligtas ang sumagot ng kanyang tawag at wala na halos masabi sa kakaiyak.
Samantala, narito ang video ni Cynthia na naibahagi ng ABS-CBN:
Mayo 4 nang gumulantang sa publiko ang balitang isang SUV ang umararo sa harap ng NAIA terminal 1. Ilang video ang nailabas kung saan makikita ang iba't ibang anggulo ng pangyayari. Dahil dito, nasawi ang apat na taong na batang babae na naghatid lamang sa kanyang ama. Nadala naman sa ospital ang ina at lola nito na nahagip din 'di umano ng nasabing sasakyan.
Sa panayam ni Dennis Datu ng TV Patrol sa kaanak ng biktima, sinabi nitong tatlong linggo lamang nakasama ng ama ang nasawing anak. Ito ay dahil sa wala pa umano itong muwang nang unang umalis upang magtrabaho sa ibang bansa. Kaya naman ganoon na lamang ang hiyaw sa paghihinagpis ni Danmark, ama ng biktima, sa pagsasabing "anak ko yun, anak ko 'yan" nang maganap ang malagim na trahedya sa NAIA.
Puno ng emosyon ang OFW na si Danmark Masongsong na humarap sa media kaugnay sa pagkamatay ng anak niyang si Malia. NAIA terminal 1 noong Mayo 4. Isa sa mga naikwento ni Danmark ay ang hiling ng anak na maihatid niya ito sa paaralan. Napapansin na umano ng kaklase ni Malia na tila hindi nila nakikita ang ama nito.
"Ang sabi niya sa akin, 'Daddy, ikaw na maghahatid sa school sa akin', kasi 'di ko pa nahahatid sa school 'yan kasi lagi ako nasa ibang bansa. Kaya gusto niya maranasan din ‘yun kasi mga classmate niya laging nandun ang daddy nila," naluluhang naibahagi ni Danmark.
Samantala, Matatandaang kamakailan lamang, isa ring trahedya ang naganap sa SCTEX kung saan mag-asawa ang nasawi subalit nakaligtas ang kanilang dalawang taong gulang na anak. Nadurog ang puso ng marami nang malamang hinahanap pa rin ng anak ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ina. Magbabakasyon lang sana sa Baguio ang mag-anak nang maganap ang malagim na trahedya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh