Amang OFW ng 4-anyos na nasawi sa NAIA tragedy, idinetalye paano nalaman ang nangyari
- Idinetalye ni Danmark Masongsong paano niya agad nalaman ang sinapit ng kanyang pamilya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
- Si Danmark ang OFW na ama ng nasawing apat na taong gulang na batang babae sa trahedya sa NAIA terminal 1 kamakailan
- Maging ang misis at ina ni Danmark at na-ospital dahil sa pinsalang dulot ng rumagasang SUV
- Aminado siyan hindi niya tanggap ang nangyari lalo na at hindi na niya matutupad ang hiling ng anak na ihatid niya ito sa paaralan
Bumuhos ang emosyon nang humarap sa media si Danramk Masongsong, ang OFW na ama ng nasawing apat na taong gulang na si Malia sa malagim na trahedyang naganap sa NAIA terminal 1.

Source: Facebook
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon kay Danmark, agad niyang kinontak ang kanyang asawa nang marinig ang malakas na kalabog at hiyawan ng mga tao sa 'si kalayuan.Ayon kay Danmark, agad niyang kinontak ang kanyang asawa nang marinig ang malakas na kalabog at hiyawan ng mga tao sa 'si kalayuan.
Aniya, nakapasok na siya sa airport nang mangyari ang pagragasa ng isang SUV sa nasabing terminal.
"May kumalampag tapos nagsigawan po 'yung mga tao. Akala ko po yung pamilya ko, nandun sa kabilang ano, sa may exit... Kasi doon ko sila huling nakita e. Ka-chat ko po siya 'nung oras na 'yun. Kaya po pala hindi siya nagrereply, lumipat po pala sila... Hindi po siya nagre-reply, natakot po ako nun. Tinawagan ko po 'yung kapatid ko, 'yung kapatid kong nakaligtas, yun po ang sumagot naiyak, doon na po ako kinabahan. Kaya po ako'y tumakbo na. Doon ko po nakita... Nagtanong po ako sa pulis, di pa nila alam bago pa lang, pagtingin ko po sa ilalim ng sasakyan, andun po 'yung anak ko nakahandusay"
Napakasakit umano ng nangyari lalo na nang makita niya ang kalagayan ng anak.
"Napakasakit po. Nakita ko po ang aking asawa, ina, kapatid ko po, napakasaklap."
Matatandaang ilang video ang naibahagi sa social media kung saan makikita ang reaksyon ni Danmark sa sinapit ng kanyang lalo na ng kanyang pinakamamahal na si Malia.
Isang video pa nga ang nagpakita ng paghumiyaw ni Danmark ng "Anak ko yan, anak ko 'yun" habang siya ay inaalalayan ng mga pulis na rumesponde sa sitwasyon.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa PTV:
Mayo 4 nang gumulantang sa publiko ang balitang isang SUV ang umararo sa harap ng NAIA terminal 1. Ilang video ang nailabas kung saan makikita ang iba't ibang anggulo ng pangyayari. Dahil dito, nasawi ang apat na taong na batang babae na naghatid lamang sa kanyang ama. Nadala naman sa ospital at lola nito na nahagip din 'di umano ng nasabing sasakyan.
Sa panayam ni Dennis Datu ng TV Patrol sa kaanak ng biktima, sinabi nitong tatlong linggo lamang nakasama ng ama ang nasawing anak. Ito ay dahil sa wala pa umano itong muwang nang unang umalis upang magtrabaho sa ibang bansa. Kaya naman ganoon na lamang ang hiyaw sa paghihinagpis ng ama sa pagsasabing "anak ko yun, anak ko 'yan" nang maganap ang malagim na trahedya sa NAIA.
Samantala, Matatandaang kamakailan lamang, isa ring trahedya ang naganap sa SCTEX kung saan mag-asawa ang nasawi subalit nakaligtas ang kanilang dalawang taong gulang na anak. Nadurog ang puso ng marami nang malamang hinahanap pa rin ng anak ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ina. Magbabakasyon lang sana sa Baguio ang mag-anak nang maganap ang malagim na trahedya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh