OFW na ama ng nasawi sa NAIA tragedy, ibinahagi ang hiling ng anak
- Emosyonal na humarap sa media ang ama ng nasawing bata sa malagim na trahedya sa NAIA kamakailan
- Isa sa mga nabanggit nito ay ang hiling ng anak na maihatid siya sa school
- OFW ang ama kaya naman hindi niya ito nagagawa para sa anak ngunit alagang-alaga naman daw ito ng inang hindi pa alam ang sinapit ng kanilang supling
- Matatandaang isang kaanak nila ang nagsabing sanggol pa ng unang umalis ang ama kaya naman sa pagbabalik nito, tatlong linggo pa lamang niyang nakasama ang anak
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Puno ng emosyon ang OFW na si Danmark Masongsong na humarap sa media kaugnay sa pagkamatay ng anak niyang si Malia.

Source: Facebook
Si Malia ang apat na taong gulang na batang nasawi sa pagragasa ng isang SUV sa NAIA terminal 1 noong Mayo 4.Si Malia ang apat na taong gulang na batang nasawi sa pagragasa ng isang SUV sa NAIA terminal 1 noong Mayo 4.
Isa sa mga naikwento ni Danmark ay ang hiling ng anak na maihatid niya ito sa paaralan. Napapansin na umano ng kaklase ni Malia na tila hindi nila nakikita ang ama nito.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Ang sabi niya sa akin, 'Daddy, ikaw na maghahatid sa school sa akin', kasi 'di ko pa nahahatid sa school 'yan kasi lagi ako nasa ibang bansa. Kaya gusto niya maranasan din ‘yun kasi mga classmate niya laging nandun ang daddy nila," naluluhang naibahagi ni Danmark.
"Bago ang flight ko, umiyak po siya. Ayaw niya ako paalisin... Sabi niya 'Daddy 'wag ka nang umalis hatid mo nalang ako sa school. Kaso 'yun nga po, hindi ko na siya maihahatid. yun pala sa hukay ko na po siya maihahatid"
Samantala, kasalukuyan namang nasa pagamutan pa rin ang misis ni Danmark na isa rin sa mga biktima ng naturang trahedya. Wala pa rin daw itong kaalam-alam sa nangyari sa kanilang pinakamamahal na anak.
Kaugnay nito, hiling ni Danmark na managot ang driver ng SUV sa sinapit ng kanyang mag-ina na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya umano matanggap.
"Napakahirap po sa'kin. Napakasakit po sa pamilya namin ang nangyari. Lalong lalo na anak ko po yun, mahal na mahal ko po yun. Hindi ko po tanggap ang nangyari."
"Sana po ay tulungan niyo akong managot yung bumangga sa anak ko. Mananagot po 'dun. Tulungan niyo po ako. Atin pong gobyerno, tulungan niyo po akong mapangutan ito. Sana po ay hindi siya makapagpiyansa"
Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Danmark mula sa PTV:
Mayo 4 nang gumulantang sa publiko ang balitang isang SUV ang umararo sa harap ng NAIA terminal 1. Ilang video ang nailabas kung saan makikita ang iba't ibang anggulo ng pangyayari. Dahil dito, nasawi ang apat na taong na batang babae na naghatid lamang sa kanyang ama. Nadala naman sa ospital at lola nito na nahagip din 'di umano ng nasabing sasakyan.
Sa panayam ni Dennis Datu ng TV Patrol sa kaanak ng biktima, sinabi nitong tatlong linggo lamang nakasama ng ama ang nasawing anak. Ito ay dahil sa wala pa umano itong muwang nang unang umalis upang magtrabaho sa ibang bansa. Kaya naman ganoon na lamang ang hiyaw sa paghihinagpis ng ama sa pagsasabing "anak ko yun, anak ko 'yan" nang maganap ang malagim na trahedya sa NAIA.
Samantala, Matatandaang kamakailan lamang, isa ring trahedya ang naganap sa SCTEX kung saan mag-asawa ang nasawi subalit nakaligtas ang kanilang dalawang taong gulang na anak. Nadurog ang puso ng marami nang malamang hinahanap pa rin ng anak ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ina. Magbabakasyon lang sana sa Baguio ang mag-anak nang maganap ang malagim na trahedya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh