Final viewing ng 'Luxx White' Frontrow headquarters, agaw eksena online

Final viewing ng 'Luxx White' Frontrow headquarters, agaw eksena online

- Viral ngayon ang umano'y 'final viewing' ng Luxx White

- Matatandaang una nang naging agaw-pansin ang billboard nitong 'paalam Luxx White'

- Ginanap ang final viewing na animo'y mayroon talagang namatay sa Frontrow headquarters

- Ang kilalang batikang host ng showbiz talk shows na si Boy Abunda pa ang naging host sa nasabing pagtitipon

Agaw eksena online ang sinasabing 'final viewing' ng produktong Luxx White na ginanap sa Frontrow headquarters.

Final viewing ng 'Luxx White' Frontrow headquarters, agaw eksena online
Final viewing ng 'Luxx White' Frontrow headquarters, agaw eksena online (Cinema Bravo)
Source: Facebook

Pinangunahan ito ng mga co-founders ng Frontrow na sina Sam Verzosa, Ralph Lee, at RS Francisco.

Makikitang may kabaong pa talaga ang nasabing produkto na animo'y nakaburol ito dahilan para maging usap-usapan ito online.

Ang nag-iisang King of Talk na si Booy Abunda ang siyang naging host ng nasabing pagtitipon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

At dahil last viewing na umano ng nasabing produkto, nagkaroon pa ng animo'y eulogy kung saan inalala ng ilang personalidad ang mga mabubuting kaganapan sa kani-kanialng buhay dala ng Luxx White. Ibinahagi nila kung paano sila natulungan ng produkto na napamahal na sa kanila sa loob ng halos 16 na taon.

Read also

P600 M halaga ng expired na karne, nakumpiska; ginagawa umanong siomai at hotdog

Matatandaang una nang naging agaw pansin ang billboard na naglalaman ng "Paalam Luxx White" kamakailan. Maramio ang mga motoristang naintriga sa kung ano ang ibig sabihin ng billboard na ito na tila mayroong isang namayapa na.

Samantala, narito ang ilan sa mga kaganapan sa nasabing last viewing na ibinahagi rin ng Cinema Bravo:

Ang Luxxe White ay isang dietary supplement na kilala sa pagpapaputi ng balat. Noong Marso 15, 2025, inanunsyo ng Frontrow Philippines, ang kumpanya sa likod ng Luxxe White, na ang produkto ay ititigil na ang produksyon at magiging hindi na available sa merkado. Ang anunsyo ay nagdulot ng kalungkutan at pasasalamat mula sa mga loyal na gumagamit ng produkto.

Umapaw naman ang pasasalamat ng iba't ibang personalidad maging ng mga ordinaryong tao sa social media platforms na pawang natulungan umano ng Luxx White.

Samantala, ang Ang Frontrow Enterprises ay isang kumpanya sa Pilipinas na tumututok sa health, wellness, at beauty products, partikular na sa mga dietary supplements. Kilala ang Frontrow dahil sa kanilang mga produkto tulad ng Luxxe White, isang skin whitening supplement, at iba pang mga produkto na nagpo-promote ng kalusugan at pagpapaganda ng katawan. Ang kumpanya ay nag-ooperate sa pamamagitan ng direct selling model at networking, at naging popular sa mga influencer, celebrities, at consumers na naghahanap ng mga produktong pampaganda at pampatanggal ng toxins sa katawan.

Read also

Wedding coordinators sa 'fake wedding' sa Cagayan de Oro, dumulog sa RTIA

Isa sa mga co-founders nito ay si Sam Verzosa na pawang abala sa pagtakbo niya bilang alkalde ng lungsod ng Maynila.

Matatandaan na noong taong 2024, nagbenta ng kanyang mga luxury cars si Sam upang makapagpatayo ng dialysis and diagnostic center sa Sampaloc, Manila. Ilan sa kanyang mga nabenta ay ang kanyang Lamborghini, Rolls Royce, BMW, Audi, at Maserati. Napa-auction din niya ang dream car ng kanyang yumaong ama na isang Bently. Dahil dito, tumataginting na Php200 million ang kanyang nalikom mula rito. Isa rin sa mga hindi malilimutang nagawa ni Sam ay ang papahagi ng ayuda na mayroong mamahaling de lata tulad ng Spam.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica