P600 M halaga ng expired na karne, nakumpiska; ginagawa umanong siomai at hotdog

P600 M halaga ng expired na karne, nakumpiska; ginagawa umanong siomai at hotdog

- Nasamsam ng NBI ang P600 milyong halaga ng expired na karne sa isang cold storage warehouse sa Meycauayan, Bulacan

- Natuklasan na nire-reprocess umano ang bulok na karne upang gawing siomai at hotdog

- Ayon sa imbestigasyon, pinalitan ng kumpanya ang expiration dates upang magmukhang sariwa pa ang produkto

- Agad na ipinag-utos ng NBI ang disposal ng mga nakumpiskang karne upang maiwasan ang pagkalat nito sa merkado

Nasamsam ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) Central Luzon Regional Office ang nasa P600 milyong halaga ng expired na frozen meat sa isang cold storage warehouse sa Meycauayan, Bulacan. Ayon sa ulat ni John Consulta sa 24 Oras noong Miyerkules, ilan sa mga nasamsam na karne ay muling pinoproseso upang gawing siomai at hotdog.

P600 M halaga ng expired na karne, nakumpiska; ginagawa umanong siomai at hotdog
P600 M halaga ng expired na karne, nakumpiska; ginagawa umanong siomai at hotdog (📷GMA News)
Source: Facebook

Armado ng search warrant, sinalakay ng mga operatiba ng NBI ang naturang warehouse kung saan natagpuan ang mga kahon ng imported na karne na bulok, inaamag, at hindi na ligtas kainin. Ayon sa isang impormante, may modus umano ang kompanya na magpalit ng expiration date upang maitago ang kalumaan ng mga produkto. Natuklasan din ng mga imbestigador na may mga karne pang nagmula pa noong 2020.

Read also

33-anyos na lalaki, nahuli sa CCTV na nagsaboy ng gasolina na nagkakahalaga ng halos P3,000

"Marami nang black spots, may inaamag na, may inu-uod na talaga. Para ma-save nila ‘yung kanilang produktong expired ay nirere-process nila, they are re-labeling the products to make it appear na hindi pa ito expired. Gini-grind at ginagawa nilang siomai, hotdog," pahayag ni Atty. Aires Manaloto, ahente ng NBI na humawak ng kaso.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon naman kay NBI Central Luzon Regional Director Jun Carpeso, seryosong banta sa kalusugan ng publiko ang mga naturang produkto dahil hindi na ito angkop para sa pagkain ng tao.

Samantala, itinanggi ng legal na kinatawan ng kompanya na si Oliver Santos ang mga akusasyon laban sa kanilang kliyente.

"We categorically deny yung insinuations na binabato ng NBI sa kliyente namin," aniya.

Nang tanungin tungkol sa presensya ng expired at nabubulok na karne, sinabi ni Santos, "We will confer with that with our client because we will answer all allegations because it will already touch on the merits, on the proper forum."

Read also

Arnold Clavio, ibinahagi ang loob ng detention facility na titirhan ni FPRRD sa The Hague

Matapos ang operasyon, iniutos ni NBI Director Jaime Santiago ang agarang pagtatapon ng nakumpiskang karne upang maiwasan itong makarating sa merkado. Nahaharap naman ang kompanya sa mga kasong paglabag sa Republic Act 7394 o Consumer Act, na may kaugnayan sa Food Security Act.

Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mas mabilis na ngayon ang pagbabalita at pagresolba ng mga krimen dahil sa social media at iba pang digital tools. Ang mga CCTV, livestreaming, at mobile recordings ay nagbibigay ng agarang ebidensya na madaling maibahagi sa publiko at sa awtoridad. Dahil dito, mas mabilis natutukoy ang mga suspek at napapabilis ang imbestigasyon ng mga pulis. Sa tulong ng social media, ang mga balita tungkol sa krimen ay agad na kumakalat, na nagiging daan upang mas maraming tao ang makatulong sa paghahanap ng hustisya.

Sa ibang ulat, isang guwardiya ang nakipagbarilan sa limang magnanakaw na nanloob sa isang tindahan ng prutas sa Barangay San Isidro, Makati City, na nagresulta sa pagkamatay ng lider ng mga suspek. Ayon sa ulat, naganap ang insidente madaling araw ng Miyerkules, kung saan mapapanood sa CCTV ang mga suspek na tila may kontrol sa lugar bago maganap ang barilan.

Read also

Kitty Duterte, humingi ng tulong sa Korte Suprema para ibalik ang kanyang ama sa Pilipinas

Viral ang kwento ni Augusto Virgo kung saan bago siya nakilala sa kanyang lako, dati siyang snatcher at holdaper. 2014 pa nang siya ay magsimulang magtinda ng hotdog sandwich subalit kamakailan lamang siya nag-viral. Marami umano ang nai-inspire kapag nalalaman ang kwento ng kanyang buhay .Isang lalaki ang natagpuang patay sa tabing-ilog matapos saksakin at gilitan ng isang 40-anyos na lalaki sa Barangay Catmondaan, Catmon, Cebu. Ayon sa ulat ng Brigada News FM Cebu noong Martes, Marso 4, 2025, matagal na umanong may alitan ang dalawa, na nauwi sa madugong insidente.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate