Sam Verzosa, naglabas ng "resibo" upang kontrahin ang pahayag ni Isko Moreno

Sam Verzosa, naglabas ng "resibo" upang kontrahin ang pahayag ni Isko Moreno

- Tumindi ang tensiyon sa pagitan nina Isko Moreno at Sam Verzosa matapos ang patutsada ni Isko sa isang speaking engagement

- Tinawag ni Isko na "pabida" ang isang kalaban at kinuwestiyon ang pamimigay nito ng bigas at de-lata bago ang halalan

- Naglabas ng "resibo" si Verzosa sa social media upang ipakita na tumulong siya noong pandemya at hindi nawala gaya ng ibinibintang sa kanya

- Pinuna rin ni Isko ang litrato ni Verzosa sa Bonifacio Shrine at sinabing hindi siya magpapaloko sa mga ganitong gimik

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nag-iinit ang laban sa pagka-alkalde ng Maynila matapos ang matinding batuhan ng akusasyon nina dating Mayor Isko Moreno at negosyanteng si Sam Verzosa. Sa isang speaking engagement, hindi pinangalanan ni Isko ang kanyang tinutukoy ngunit tinawag niyang “pabida” ang isa sa kanyang mga katunggali, na ayon sa marami ay si Verzosa.

Sam Verzosa, naglabas ng "resibo" upang kontrahin ang pahayag ni Isko Moreno
Sam Verzosa, naglabas ng "resibo" upang kontrahin ang pahayag ni Isko Moreno (📷@samverzosa/Instagram)
Source: Instagram

Kinuwestiyon din niya ang pamimigay ng bigas at de-lata ng naturang kandidato at sinabing nasaan ito noong kasagsagan ng pandemya kung kailan higit na kailangan ng mga taga-Maynila ang tulong.

Read also

Derek Ramsay, ibinida ang pagbisita ng matalik na kaibigan nila ni Ellen Adarna na si Pernilla Sjöö

Sarkastikong sinabi ni Isko, “Bumabaha ng bigas at de-lata, pero noong pandemya, hindi sila matagpuan.” Dagdag pa niya, “Ngayon, paganyan-ganyan ka pa, parang may giyera. Hindi ninyo kami mato-tolongges!”

Hindi naman ito pinalampas ni Verzosa, na agad naglabas ng mga “resibo” sa social media. Ibinahagi niya ang isang video noong 2020 kung saan kitang-kitang magkasama sila ni Isko habang namimigay ng bigas sa Maynila at nagbubukas ng E-Skwela, isang proyekto para sa libreng internet at printing services. Aniya, matagal na siyang tumutulong at hindi lang ngayong eleksyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod dito, pinuna rin ni Isko ang larawan ni Verzosa sa Bonifacio Shrine habang nakataas ang kamao, na tila ginagaya si Andres Bonifacio. Ayon sa kanya, hindi siya magpapaloko sa ganitong mga gimik.

Sina Isko at Verzosa ang itinuturing na mahigpit na magkalaban sa darating na halalan sa Mayo 12, 2025.

Si Isko Moreno (Francisco Domagoso) ay isang dating aktor na sumikat noong dekada ‘90 bago pumasok sa pulitika. Nagsimula siyang maglingkod bilang konsehal ng Maynila noong 1998, naging bise alkalde mula 2007 hanggang 2016, at kalaunan ay nahalal bilang alkalde ng Maynila noong 2019. Sa kanyang termino bilang mayor, nagpatupad siya ng mga proyekto tulad ng modernisasyon ng lungsod, pagpapaganda ng pampublikong ospital, at pagpapatayo ng pabahay para sa mahihirap. Matapos ang kanyang pagkatalo sa pagtakbo bilang pangulo noong 2022, bumalik siya sa showbiz at hosting, ngunit nananatiling aktibo sa usaping pampulitika. Ngayon, lumulutang ang kanyang pangalan bilang isa sa mga posibleng tumakbong mayor ng Maynila sa halalan sa 2025.

Read also

Vice Ganda, nawindang matapos ibuking ni Kim Chiu: "Talagang in-out mo!"

Matatandaang pumirma ng long-term contract sina Paolo Contis at Isko Moreno sa TAPE Inc. Ito ay matapos pabulaanan ng TAPE ang bali-balitang hanggang katapusan na lamang ng Hulyo ang Eat Bulaga.

Sa isang live video sa social media, nagpasalamat si Isko Moreno sa lahat ng sumama sa kanya at kay Chi Atienza nang maghain sila ng Certificate of Candidacy (COC) para sa pagka-alkalde at bise alkalde ng Maynila. Inamin ng dating alkalde at presidential aspirant na sila ni Chi ay labis na naantig sa suportang ipinakita ng tinawag niyang “Batang Maynila.” Sinabi rin niyang hindi niya inasahan ang dami ng taong nagtipon upang samahan sila sa paghahain ng kanilang kandidatura. Sa darating na halalan, makakaharap ni Isko ang kasalukuyang alkalde ng Maynila na si Honey Lacuna, na dati niyang kaalyado at nagsilbing kanyang bise alkalde noong siya pa ang punong lungsod.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: