Paolo Contis at Isko Moreno, pumirma na ng kontrata sa TAPE Inc.

Paolo Contis at Isko Moreno, pumirma na ng kontrata sa TAPE Inc.

- Pumirma na ng long-term contract sina Paolo Contis at Isko Moreno sa TAPE Inc.

- Sa Facebook page ng Sparkle GMA Artist Center, ay naibahagi ang picture ng kanilang contract signing

- Naroroon din sina TAPE Inc. President and CEO Romeo Jalosjos Jr., Chief Financial Officer Bullet Jalosjos, at ang legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham-Garduque

- Dumalo din ang kinatawan ng GMA na sina Sparkle GMA Artist Center Vice President Joy Marcelo at Senior Talent Manager Tracy Garcia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakapirma na ng long-term contract sina Paolo Contis at Isko Moreno sa TAPE Inc. Ito ay matapos pabulaanan ng TAPE ang bali-balitang hanggang katapusan na lamang ng Hulyo ang Eat Bulaga.

Paolo Contis at Isko Moreno, pumirma na ng kontrata sa TAPE Inc.
Paolo Contis at Isko Moreno, pumirma na ng kontrata sa TAPE Inc. (@paolo_contis)
Source: Instagram

Naroroon din sina TAPE Inc. President and CEO Romeo Jalosjos Jr., Chief Financial Officer Bullet Jalosjos, at ang legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham-Garduque pati na rin sina Sparkle GMA Artist Center Vice President Joy Marcelo at Senior Talent Manager Tracy Garcia.

Read also

Suzette Doctolero: "I hope MTRCB aspires to promote healthy competition in the world of television"

Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng "Ang TV." Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Naging maingay ang pangalan ng aktor kamakailan kasunod ng pag-amin ni LJ Reyes tungkol sa kanilang paghihiwalay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Binati ni Paolo si Yen Santos sa pagdiriwang nito ng kanyang ika-30 taon ngayong araw, November 20, 2022. Kalakip ng kanyang pagbati kay Yen na kanyang tinawag na "My Best Actress" ay ang mga pictures nilang dalawa. Ito ang unang pagkakataon na nag-post ang aktor ng picture nila ni Yen na magkasama matapos masangkot sa kontrobersiya. Matatandaang nagkatrabaho sina Yen at Paolo sa pelikulang A Faraway Land kung saan ginawaran nga kamakailan si Yen ng Best Actress sa ginanap na 45th Gawad Urian.

Si Yen ang tinanghal na best actress sa ginanap na 45th Gawad Urian nitong Nobyembre 17, 2022 na ginanap sa UP Film Center, UP Diliman, Quezon City. Sa kanyang acceptance speech ay hindi niya kinaligtaang pasalamatan ang leading man sa pelikulang A Faraway Land na si Paolo. Inilarawan niya din si Paolo bilang isang aktor na sobrang talented at napakagaling na artista at siya daw ang number 1 fan ni Paolo. Pinasalamatan din niya ang Gawad Urian sa tiwala sa kanya at sa pagbibigay ng aniya'y maituturing niyang "best birthday gift ever."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel