Wedding coordinators sa 'fake wedding' sa Cagayan de Oro, dumulog sa RTIA
- Dumulog ang mga coordinator sa 'fake wedding' sa Cagayan de Oro sa programa ng Raffy Tulfo in Action upang humingi ng bayad
- Isinalaysay ng coordinator na si Avril Apilado kung paano niya natanggap ang booking ng kasal mula sa bride na nagpakilalang 'high profile' na client
- Umaga pa lang ng mismong araw ng kasal ay hiningan na nila ng down payment ang bride ngunit nagdahilan ito na babayaran sila pagkatapos ng event
- Nabanggit ng assistant coordinator na si Vanessa Aleria na tila nakatulala ang groom at bumalik lamang sa ulirat matapos sabuyan ng asin ng isang bisita
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo in Action ang mga supplier at coordinator na sangkot sa tinaguriang 'fake wedding' sa Cagayan de Oro upang humingi ng tulong para mabayaran ang kanilang serbisyo.

Source: Youtube
Ayon kay Avril Apilado, isang wedding coordinator, siya ang tumanggap ng booking mula sa bride na nagpakilalang isang 'high profile' na kliyente. Ibinahagi ni Apilado na siya mismo ang nag-abono ng bayad para sa mga supplier matapos makumbinsi ng bride na babayaran siya sa mismong araw ng kasal.

Read also
Bride sa ‘Fake Wedding’ at inakusahang nanggayuma, nagsalita na: Pinili umano siya ng Groom
Inihayag ng assistant coordinator na si Vanessa Aleria na umaga pa lamang ng araw ng kasal ay hinihingi na nila ang down payment para sa venue. Gayunpaman, paliwanag umano ng bride na darating ang kanyang mga magulang na siyang mag-aasikaso ng bayad.
Dagdag pa ni Aleria, napansin nila ang tila pagiging tulala ng groom sa buong preparasyon ng kasal. Lalong naging kahina-hinala ang sitwasyon nang may isang bisita na nagsaboy ng asin sa groom, na bigla na lamang tila 'nagising' mula sa pagiging parang wala sa sarili.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Naging viral sa social media ang insidente, kung saan napag-alamang walang naipresentang down payment o bayad mula sa bride. Marami ang nagsasabing posibleng na-gayuma ang groom upang magpakasal, ngunit may ilan namang naniniwala na nagkaroon lamang ng matinding kaba o 'cold feet' ang groom.
Nananawagan ang mga supplier at coordinator na mabayaran ang kanilang serbisyo.
Samantala, itinanggi ng bride na si Riri Montillano ang akusasyon ng paggamit ng gayuma.

Read also
33-anyos na lalaki, nahuli sa CCTV na nagsaboy ng gasolina na nagkakahalaga ng halos P3,000
Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mas mabilis na ngayon ang pagbabalita at pagresolba ng mga krimen dahil sa social media at iba pang digital tools. Ang mga CCTV, livestreaming, at mobile recordings ay nagbibigay ng agarang ebidensya na madaling maibahagi sa publiko at sa awtoridad. Dahil dito, mas mabilis natutukoy ang mga suspek at napapabilis ang imbestigasyon ng mga pulis. Sa tulong ng social media, ang mga balita tungkol sa krimen ay agad na kumakalat, na nagiging daan upang mas maraming tao ang makatulong sa paghahanap ng hustisya.
Samantala, naging matagumpay ang pangalawang kasal ng viral Amlan couple matapos ang kontrobersyal na unang pag-iisang dibdib. Natagumpay ang pagdiriwang ng kanilang Take 2 kasal sa tulong ng mga sponsors at suporta ng komunidad. Sa video ni Janine Suelto-Sagario na nag-viral sa social media naantig ang mga netizens at maging ang mga wedding suppliers. Kaya naman, marami ang naghayag ng kanilang kagustuhang mabigyan ng mas maayos at mas magandang kasal ang mag-asawa.
Si Janine Seit Sagario ay nag-post ng isang mensahe ng pasasalamat matapos ang matagumpay na pagdiriwang ng kanilang pangalawang kasal ng asawang si Jove Deo. Sa kanyang post, pinasalamatan niya ang Negros Oriental Wedding Industry sa kanilang bayanihan at suporta upang maisakatuparan ang kanilang second take na seremonya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh