LTO enforcers sa viral video ng Panglao, napatawan ng suspensyon
- Napatawan na ng suspensyon ang mga LTO enforcers sa viral video na kuha sa Panglao, Bohol
- Ito ay matapos makunan ng video ang umano'y pagtrato nila sa lalaki na sinasabing may dala raw na patalim
- Sa video, makikitang ilang enforcers ang nakapalibot sa lalaking nagpakilala na siya ay isang "farmer" dahilan bakit siya umano'y may dalang kutsilyo
- Patuloy pa rin ang pag-iimbestiga sa naturang insidente na umani ng kabi-kabilang pambabatikos online
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Napatawan na ng suspensyon ang mga enforcer ng Land Transportation Office (LTO) na nasa viral video kamakailan.

Source: Facebook
Sa video, makikita ang ilang LTO enforcers na nakapalibot sa isang lalaking nagpakilalang "farmer" na sinasabing may dala umanong patalim o kutsilyo.
Ayon sa ulat ng Abante, ang insidenteng ito ay nagdulot ng kontrobersiya matapos kumalat ang video online, kung saan nakita ang hindi maipaliwanag na pagtrato ng mga enforcers sa lalaki.
Pinag-iisipan pa rin kung may mga paglabag ang mga tauhan ng LTO sa kanilang naging aksyon.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa naturang insidente na umani ng kabi-kabilang pambabatikos mula sa mga netizens.
Sinasabing naging daan ang pagkalat ng nasabing video upang agad na mabigyang aksyon ang nasabing insidente na labis na ikinabahala ng marami.
Kitang-kita sa video na naibahagi rin ng Facebook page na Limuel Maranguis MinivLog ang pagtutok ng kutsilyo ng isa sa mga enforcer sa lalaking sakay ng motorsiklo na kanila umanong kinokompronta.
Kaugnay nito, naglabas na ng opisyal na pahayag ang LTO Philippines. Ayon kay Secretary Vince Dizon, iniutos na niya ang mabilisang imbestigasyon ukol sa insidenteng umani ng samu't saring reaksyon mula sa mga nakapanood.
Inatasan niya si Assistant Secretary for Road Transport Jojo Reyes na magsagawa ng imbestigasyon at mangalap ng mga kaugnay na impormasyon.
Ayon pa kay Dizon, inaasahan ang mga rekomendasyon ni Reyes sa loob ng susunod na 24 oras.
Tiniyak ni Secretary Dizon na ang imbestigasyon ay magiging tapat at transparent upang matukoy ang mga nangyari at matugunan ang mga isyung ibinangon ng insidente.
Narito ang kabuuan ng pahayag ng LTO ukol sa insidente:
Samantala, tulad ng naturang insidente sa Panglao, nag-viral din ang video ng umano'y paninita ng isang security guard ng kilalang mall sa Kamaynilaan sa isang sampaguita vendor. Sa video na ibinahagi rin ng Mega Kapamilya, makikita ang sekyu na 'di umano'y pinaaalis ang batang naka-uniporme pa at may hawak ng sinasabing nilalako nitong sampaguita.
Tila nanlaban ang estudyante at pinaghahampas din ng makailang beses ang sekyu ng kanya umanong tinitinda.Gayunpaman, makikita rin sa video na tila umamba ng sipa ang sekyu at sinira pa nito ang mga sampaguita. Ito umano ang inalmahan ng publiko.
Kalaunan, napag-alaman na 22-anyos na college student na ang sampaguita vendor at gumagamit laman ng unipormeng pang-high school upang mas mabili umanong makabenta.
Samantala, agad na natanggal sa trabaho ang naturang security guard na umani rin ng simpatya sa netizens. Ito ay matapos na malaman ng publiko ang totoong kalagayan ng sinita nitong sampaguita vendor.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh