Xian Gaza: "Huwag niyo matawag-tawag na fake news mga sinasabi ko!"
- Kumpirmado umano ni Xian Gaza na 99.9% nang nagkaayos sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ayon sa kanyang mga source
- Nagbigay ng paalala si Mommy Min Bernardo sa mga fans ni Kathryn na huwag agad maniwala sa mga kumakalat na balita at tinawag itong "fake news"
- Patuloy ang espekulasyon ng netizens matapos lumabas ang mga cryptic posts ni Xian Gaza tungkol sa umano’y lihim na pagtatagpo ng dalawa
- Wala pang opisyal na pahayag mula kina Kathryn at Daniel kaya’t nananatiling palaisipan sa kanilang fans ang tunay na estado ng kanilang relasyon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagsalita ang self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza kaugnay ng naging pahayag ni Min Bernardo, ina ng aktres na si Kathryn Bernardo, sa isang video kung saan pinaalalahanan nito ang publiko na huwag basta maniwala sa mga "fake news."

Source: Facebook
Ayon kay Xian Gaza, kumpirmado umano na 99.9% nang nagkaayos sina Kathryn at dating kasintahan nitong si Daniel Padilla. "Naku, daming nakakakita na nagkakausap sila. May mga lihim na pagtatagpo and everything else. Huwag niyo matawag-tawag na fake news mga sinasabi ko! Baka bigla akong mag-upload ng video dito, baka 'di mo kayanin, Mother," ani Xian.

Read also
Jeraldine Blackman, umalma sa espikulasyong 'for content' lang ang paghihiwalay nila ng asawa
Matatandaang nagbigay ng mensahe si Mommy Min Bernardo sa fans ng kanyang anak na si Kathryn, hinimok niya ang mga ito na huwag agad maniwala sa mga kumakalat na balita. "Huwag kayo masyado naniniwala sa fake news," ani Mommy Min sa isang video clip na ibinahagi ng Tita Long Gumatay Showbiz Short Stories Facebook page.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bagamat hindi niya tinukoy kung anong isyu ang kanyang pinatutungkulan, patuloy ang espekulasyon sa umano'y pagkakabati nina Kathryn at Daniel. Ilang netizens ang nagdududa sa balitang ito, lalo na't may mga cryptic posts na lumalabas mula kay Xian Gaza.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Xian, "Ang tsismis eh nagkabalikan na daw pala ang KathNiel. This is not kompirmd yet kasi isang source pa lang ang nag-i-splook sa akin. How true?"
Di nagtagal, nagbigay siya ng update na tila kumpirmado na umano ang balita. "BREAKING NEWS: Kathryn Bernardo & Daniel Padilla, nagkaayos na! Kompirmd 99.9%! Yung 0.01% ay yung germs na hindi napatay ng Safeguard! Atin-atin na lang muna at huwag na lang sana makakalabas hangga't kinukumpirma pa natin kung sila ba ay magjowa na ulit. Salamat. Please respect their privacy," ani Xian.
Sa kabila ng mga haka-haka, wala pa ring opisyal na kumpirmasyon mula kina Kathryn at Daniel, dahilan upang patuloy na maghintay ang kanilang fans sa anumang pahayag mula mismo sa kanila.
Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.
Biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab Harake na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya.
Nagbahagi si Xian ng picture niya kasama si Angelica Yap na kilala bilang si Pastillas Girl. Sinagot niya ang mga komento sa kanya na balimbing daw siya dahil sa pakikipagkaibigan kay Angelica.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh