Rendon Labador, may tanong matapos ang pag-atras ni Rosmar: "Kailan kaya aatras si Diwata?"
Binatikos ni Rendon Labador si Diwata matapos nitong tanungin kung kailan siya aatras sa kandidatura ng Vendors Party-list sa May 2025 Elections
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
- Ipinahayag ni Rendon ang kanyang pag-aalinlangan sa kakayahan ni Diwata sa pulitika matapos itong maghain ng Certificate of Nomination and Acceptance noong Oktubre 2024
- Ipinahayag niya ang suporta sa desisyon ng kanyang kaibigan na si Rosmar Tan na umatras sa pagkandidato bilang konsehal ng Maynila
- Ipinunto ni Rendon na mas marami nang natulungan si Rosmar kahit hindi ito tumakbo sa halalan
Matapos ang anunsyo ng pag-atras ni Rosmar Tan sa kanyang kandidatura bilang konsehal ng unang distrito ng Maynila, isang Facebook post ang pinost ni Rendon Labador kung saan diretsahan niyang tinanong kung kailan aatras si Diwata mula sa pagtakbo bilang 4th nominee ng Vendors Party-list sa darating na May 2025 Elections.
"Si Rosmar umatras na, kailan kaya aatras si Diwata? Hindi pa ba natatauhan?" ani Rendon sa kanyang unang Facebook status.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hindi pa rito natapos ang kanyang patutsada. Sa isang hiwalay na post, nagbiro si Rendon na, "Dalhin natin sa Marilque si Diwata kapag hindi umatras."
Matatandaang isa si Rendon sa mga unang pumuna sa pagtakbo ni Diwata matapos itong maghain ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) noong Oktubre 2024 sa The Manila Hotel Tent City. Sa kanyang social media, inihayag ni Rendon ang kanyang pag-aalinlangan sa kakayahan ni Diwata na pumasok sa mundo ng pulitika.
Samantala, ipinahayag naman ni Rendon ang kanyang suporta sa desisyon ng kanyang kaibigan at kapwa social media personality na si Rosmar Tan na umatras sa politika.
"Proud kuya here! Isang taon din 'yun pinag-isipan ah… Muntik na tayo, guys!" saad niya sa kanyang Facebook post
Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.
Kamakailan ay nilinaw ni Rosmar ang isyu tungkol sa umano'y hindi nila pagbayad sa kinain nila sa Coron. Ipinahayag niya na ang pagkain nila ay bahagi ng XDEAL kung saan kapalit ng libreng pagkain ay pagpopromote nila sa social media. Maraming restaurant daw ang nag-aagawan na ilibre sila ng pagkain dahil sa kanilang kasikatan at malaking following. Hinikayat ni Rosmar ang publiko na huwag maniwala sa fake news na ipinapakalat ng bashers.
Sinadya nina Rosmar at Team Malakas ang tinitirahan ng isang ina na may 15 na mga anak. Makikita sa video na halos hindi na sila magkasya sa tahanan ng mga ito sa Tondo. Bukod sa tulong pinansyal, isang surpresa rin ang binigay ni Rosmar sa ina lalo na sa mga anak nito. Matatandaang sa kabila umano ng kontrobersiyang kinaharap, tila patuloy pa rin umano sa pagtulong ang grupo ni Rosmar.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh