Sen. Raffy Tulfo, inamin na nahuli ang sasakyan ng anak sa paggamit ng EDSA busway
- Inamin ni Senator Raffy Tulfo na nahuli ang sasakyan ng kanyang anak na si Quezon City Rep. Ralph Wendel Tulfo sa paggamit ng EDSA Busway
- Sinita ni Senator Tulfo ang kanyang anak at pinuri ito sa pag-amin ng pagkakamali at paghingi ng paumanhin
- Ipinaliwanag ni Senator Tulfo na mahalaga ang pagtanggap ng responsibilidad lalo na para sa mga public servant
- Nangako si Rep. Ralph Wendel Tulfo na magiging mas maingat siya sa pagsunod sa batas trapiko
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Inamin ni Senator Raffy Tulfo na nahuli ang sasakyan ng kanyang anak, Quezon City Rep. Ralph Wendel Tulfo, dahil sa paggamit ng EDSA Busway. Sa kabila ng insidente, binahagi ng senador sa ABS-CBN News na pinagalitan niya ang kanyang anak bilang bahagi ng kanyang paninindigan para sa patas na pagpapatupad ng batas trapiko.
Ayon kay Senator Tulfo, inamin ng kanyang anak ang pagkakamali nito at agad humingi ng paumanhin. “In-admit naman niya, hindi naman siya nagsinungaling at nag-apologize siya so wala akong nakikitang problema doon,” ani ng senador.
Dagdag pa niya, mahalaga ang pagtanggap ng responsibilidad, lalo na sa mga public servant.
Samantala, ipinahayag ni Rep. Ralph Wendel Tulfo ang kanyang lubos na paghingi ng paumanhin sa publiko, at nangakong magiging mas maingat sa susunod.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Raffy Tulfo ay isang kilalang Pilipinong mamamahayag, personalidad sa telebisyon, at kasalukuyang senador ng Pilipinas. Ipinanganak siya noong Marso 12, 1960, at nakilala bilang “Hari ng Public Service” dahil sa kanyang mga programa na tumutulong sa mga ordinaryong mamamayan sa pagresolba ng kanilang mga problema, lalo na sa usaping legal at pampamilya.
Dumulog sa Raffy Tulfo in Action si Vilma Pila upang humingi ng tulong na makamit ang hustisya para sa kanyang anak na si Marvil Facturan-Kocjančič, na nasawi sa kamay ng Slovenian husband nito na si Mitja noong Disyembre 29, 2024. Bukod dito, nais din ni Nanay Vilma na maiuwi sa Pilipinas ang mga labi ng kanyang anak mula Slovenia sa lalong madaling panahon.
Aabot sa ₱1.5 milyon ang natangay mula sa Singaporean actor na si Laurence Pang Kum Tong matapos umano siyang mabiktima ng isang Pinay scammer na nakilala niya sa online dating application na “PinaLove.”
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh