Ina, iniharang ang katawan upang maligtas ang mga anak sa sunog

Ina, iniharang ang katawan upang maligtas ang mga anak sa sunog

Isang ina mula Cebu City ang nagtamo ng paso matapos niyang iligtas ang kaniyang mga anak mula sa sunog sa kanilang tahanan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nag-umpisa ang sunog sa Sitio Alaska Centro, Barangay Mambaling, Cebu City bandang 3:38 ng madaling araw at idineklarang fire out bago mag-4:20 ng umaga

Ang kapatid ng ina ay nabalian ng buto matapos sipain ang pintuan upang makalabas sa nasusunog na bahay

Umabot sa ₱750,000 ang halaga ng pinsala habang patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog

Isang ina mula sa Sitio Alaska Centro, Barangay Mambaling, Cebu City ang nagtamo ng mga paso sa katawan matapos niyang iligtas ang kaniyang mga anak mula sa naglalagablab na sunog sa kanilang tahanan nitong Martes ng umaga, Enero 21, 2025.

Ina, iniharang ang katawan upang maligtas ang mga anak sa sunog
Ina, iniharang ang katawan upang maligtas ang mga anak sa sunog (fish96 on Pixabay)
Source: Original

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kinilala ang biktima na si Mary Ann Alegado, na hindi nagdalawang-isip na iharang ang kaniyang katawan upang maprotektahan ang kaniyang mga anak mula sa apoy habang pilit silang lumalabas sa nasusunog na bahay.

Read also

Magsasakang nawala ng dalawang araw, natagpuang pugot ang ulo

Bukod kay Mary Ann, nagtamo rin ng pinsala ang kaniyang kapatid na si Mark Joseph Alegado matapos itong mabalian ng buto nang sipain nito ang pintuan upang bigyang-daan ang kanilang pagtakas.

Ayon sa ulat ng Brigada News, nagsimula ang sunog bandang alas-3:38 ng madaling araw, at tuluyang idineklarang fire out ng Bureau of Fire Protection (BFP) pasado alas-4:20 ng umaga.

Base sa paunang imbestigasyon, umabot sa ₱750,000 ang halaga ng pinsalang dulot ng insidente. Sa kabila ng laki ng pinsala, maswerteng walang naiulat na nasawi sa sunog.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy upang matukoy ang sanhi ng trahedya.

Samantala, nagpaabot naman ng tulong ang ilang residente ng Sitio Alaska Centro sa pamilya Alegado, kabilang na ang pansamantalang tirahan at mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at damit.

Sinabi ng mga opisyal ng barangay na handa rin silang magbigay ng suporta sa muling pagbangon ng pamilya mula sa trahedyang ito.

Read also

Lola sa Cebu, pumanaw matapos silaban nang buhay ng sariling manugang

Muling pinaalalahanan ng Bureau of Fire Protection ang publiko na tiyaking ligtas ang mga linya ng kuryente sa kanilang mga tahanan at mag-ingat sa paggamit ng mga kagamitang posibleng pagmulan ng sunog.

Sa kabila ng sakuna, pinapurihan ng mga residente si Mary Ann bilang isang "ina ng taon" dahil sa kaniyang walang pag-iimbot na sakripisyo para sa kaligtasan ng kaniyang mga anak.

Sa ibang ulat, ayon sa batikang showbiz insider na si Ogie Diaz, isang pelikula ang nakatakdang ipagawa tungkol sa makulay na buhay ng "Ulirang Ina" awardee na si Angelica Yulo. Ibinunyag ni Ogie ang tungkol sa balitang ito sa kanyang Youtube channel na Ogie Diaz Showbiz Update.

Kalunos-lunos naman ang sinapit ng isang ina na si Edna Tadia kung saan na-stroke at baldado na ang kanyang asawa at nagkaroon pa ng problema sa pag-iisip ang lahat ng kanyang mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate