Ulirang ina, mag-isang tinataguyod ang asawang baldado ang 3 anak na may sakit sa pag-iisip
- Kalunos lunos ang sinapit ng isang ina na si Edna Tadia kung saan na-stroke at baldado na ang kanyang asawa at nagkaroon pa ng problema sa pag-iisip ang lahat ng kanyang mga anak
- Kaya naman mag-isang tinataguyod ni Nanay Edna ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng paglalabada
- Laking pasalamat na lamang niya na nang natulungan silang makauwi na lamang sa Romblon ng ABS-CBN
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Aminadong hirap sa sitwasyon nila si nanay Edna Tadia na mag-isang nagtataguyod sa kanyang pamilya.
Nalaman ng KAMI na apat na beses nang na-stroke ang kanyang mister kaya naman baldado na ito. Sa kasamaang palad pare-pareho pang nagkaroon ng sakit sa isip ang kanyang mga anak.
"Tinitibayan ko nalang po ang kalooban ko, sobrang hirap kasi nag-iisa lang po ako kumayod," naluluhang pahayag ni Nanay Edna.
Paglalabada lamang ang tanging ikinabubuhay ni Edna para maitawid ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya.
Ang tanging pakiusap na lamang ni Edna ay makabalik na lamang ang kanyang pamilya sa Romblon.
Nakadagdag pa sa iisipin ni Edna ang pagkawala ng kanyang anak na may diperensya pa sa pag-iisip.
Sa tulong ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya nadala sa National Center for Mental Health ang dalawang anak niya.
Tinulungan rin si Edna na makauwi sila ng kanyang asawa sa Romblon nang sa ganun ay magkaroon naman siya ng katuwang sa pag-aalaga sa asawa.
Biniyayaan din ang asawa niya ng wheelchair at ilang materyales para sa kanilang bahay.
Walang pagsidlan ng kaligayan si Edna dahil kahit paano ay maibsan ang kanyang paghihirap.
Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The MONA LISA? | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh