Lola sa Cebu, pumanaw matapos silaban nang buhay ng sariling manugang
Pumanaw na ang 84-taong-gulang na lola sa Cebu matapos silaban ng buhay ng kaniyang manugang habang naglalaba
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nakunan ng video ng 11-taong-gulang na anak ng suspek ang insidente ng panununog
Nagalit umano ang suspek sa biktima dahil sa paniniwalang bine-brainwash nito ang kaniyang anak
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder na posibleng gawing murder
Pumanaw na ang isang 84-taong-gulang na lola na napaulat na sinilaban nang buhay ng kaniyang sariling manugang habang ito ay naglalaba.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon sa ulat ng Brigada News Philippines noong Linggo, Enero 19, 2025, binawian ng buhay ang biktima noong Biyernes, Enero 17, halos dalawang linggo matapos ang brutal na insidente.
Matatandaang sabuyan ng gasolina ang biktima at silaban ng suspek habang ito’y naglalaba, insidenteng nakunan pa ng video ng 11 taong gulang na anak ng suspek. Sa kabila ng kaniyang sinapit, nagawa pa ng biktima na salubungin ang kaniyang kaarawan noong Enero 15 habang nasa ospital.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nag-ugat umano ang galit ng suspek sa paniniwalang bine-brainwash ng biktima ang kaniyang anak, dahilan upang hindi ito umuwi sa kanilang bahay.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek, na kasalukuyang nahaharap sa kasong frustrated murder na posibleng ma-upgrade sa kasong murder matapos ang pagpanaw ng biktima. Patuloy ang imbestigasyon upang mabigyang hustisya ang pagkamatay ng matanda.
Sa kasalukuyan, mabilis na kumakalat ang mga balita sa social media, na nagiging dahilan ng mabilis na pagpapalaganap ng impormasyon—maging ito man ay positibo o negatibo. Ang mga viral na balita ay kadalasang nagiging paksa ng usap-usapan, lalo na kapag may kasamang matinding emosyon o kontrobersiya.
Sa ibang balita, natakasan ng pasahero ang isang driver na naghatid mula sa Quezon City hanggang Pasay. Nagdahilan umano ito na susunduin lamang ang mag-ina ngunit hindi na ito bumalik.
Isang 21-anyos na taxi driver ang nasawi matapos saksakin ng dalawang magkapatid sa Baguio City matapos ang mainitang sagutan sa kalsada noong gabi ng Martes, Oktubre 1, 2024. Sa ulat ng GMA Integrated News, kinilala ang biktima na si Jhonsen Pelayo, na nasangkot sa insidente sa Asin Road.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh