43 anyos na lalaki, arestado dahil sa umano'y panggagahasa sa 4 anyos na anak ng pamangkin

43 anyos na lalaki, arestado dahil sa umano'y panggagahasa sa 4 anyos na anak ng pamangkin

  • Naaresto ang 43-anyos na lalaki sa Baseco, Maynila matapos gahasain umano ang 4-anyos na anak ng kaniyang pamangkin
  • Inabot ng siyam na araw bago siya naaresto dahil kinailangan pa siyang maospital matapos bugbugin ng pamilya ng biktima
  • Inamin ng suspek ang ginawang panghahalay sa bata ngunit nagdulot ito ng galit ng pamilya na nauwi sa pambubugbog
  • Nagpaalala ang Baseco Police Station sa mga magulang na huwag basta magtiwala sa kahit na sino sa pagbabantay ng kanilang mga anak

Naaresto ng mga awtoridad sa Baseco, Maynila ang isang 43-anyos na lalaki matapos siyang akusahan ng panggagahasa sa apat na taong gulang na anak ng kaniyang pamangkin.

43 anyos na lalaki, arestado dahil sa umano'y panggagahasa sa 4 anyos na anak ng pamangkin
43 anyos na lalaki, arestado dahil sa umano'y panggagahasa sa 4 anyos na anak ng pamangkin (Photos: Pexels)
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, tumagal ng siyam na araw bago maaresto ang suspek dahil kinailangan pa niyang maospital matapos siyang kuyugin ng mga kaanak at kaibigan ng pamilya ng biktima.

Sa pahayag ni PLtCol. Emmanuel Gomez, Baseco Police Station Commander, mismong ang bata ang nagkuwento sa kaniyang mga magulang tungkol sa insidente. “Tinuturo ng bata ang kaniyang private part at sinabing hindi masakit kahit mahawakan, na nagdulot ng pagdududa ng mga magulang,” ani Gomez.

Read also

Slovenian na umano'y pumaslang sa asawang Pinay, nagtext pa raw sa ama ng biktima para makiramay

Sa naging komprontasyon ng pamilya at ng suspek, umamin ito sa ginawang krimen at nangakong hindi na mauulit. Gayunpaman, nauwi ang galit ng pamilya sa pambubugbog na nagdulot ng malubhang sugat sa suspek.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa suspek, nakakaranas siya ng pananakit sa mata, tagiliran, at ulo dahil sa pambubugbog. “Malabo na ang aking mata, may nabali sa tagiliran, at masakit palagi ang ulo ko,” aniya.

Nagpaalala si PLtCol. Gomez sa mga magulang na mas maging maingat sa pagbabantay sa kanilang mga anak. “Huwag basta ipagkatiwala ang mga bata, lalo na’t maraming kaso ng pang-aabuso dahil sa labis na tiwala,” dagdag niya.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente, at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang suspek.

Sa ibang balita, patuloy ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagkamatay ng isang 15-taong gulang na dalagita na naiulat na nagahasa noong pista sa Oslob, Cebu. Isa sa tinitingnang anggulo ay ang posibleng kaugnayan ng nobyo ng biktima sa insidente.

Read also

Rosmar Tan, nagpaliwanag tungkol sa pagpunta niya sa ER para ma-ultrasound

Inimbestigahan na ng mga otoridad ang bahay na sinasabing pinagdalan sa 15-anyos na dalagita na umano’y ginahasa sa Oslob, Cebu. Batay sa mga larawan na ibinahagi ng SunStar sa Facebook, makikitang napapalibutan ng police line ang bahay, tanda ng patuloy na pagsisiyasat ng mga awtoridad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate