Miss Grace, tinanggihan ang endorsement ng sugal: "Staying true to my values is non-negotiable"
- Tinanggihan ni Miss Grace ang ₱30M na alok mula sa isang onlinecasino para sa pag-endorso dahil hindi ito tugma sa kanyang mga prinsipyo
- Inilahad niyang hindi ito ang unang pagkakataong tumanggi siya, matapos makatanggap ng ₱20M at ₱22M na alok noong nakaraang taon
- Naninindigan siyang hindi siya magiging bahagi ng anumang bagay na maaaring makasama sa mga pamilyang Pilipino
- Binibigyang-halaga niya ang integridad at naniniwalang maraming tamang paraan upang kumita nang may dignidad at respeto
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa kabila ng makalaglag-pangang alok na ₱30 milyon para sa pag-endorso ng isang onlinecasino, nanindigan si Miss Grace na hindi niya kailanman isusuko ang kanyang mga prinsipyo. Sa isang pahayag, idiniin niya ang kanyang paninindigan laban sa pagsusugal, na aniya'y may negatibong epekto sa maraming pamilyang Pilipino.
“I declined an onlinecasino offer because it goes against my values. I stand with Filipino families impacted by this industry and choose integrity over profit. I won’t be part of something that negatively impacts Filipino families. Staying true to my values is non-negotiable,” saad ni Miss Grace.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Isiniwalat din niya na hindi ito ang unang pagkakataon na tumanggi siya sa ganitong uri ng alok. Noong Abril 2024, inalok siya ng ₱20 milyon ng isang onlinecasino company. Sinundan ito ng isa pang alok noong Agosto 2024 na nagkakahalaga ng ₱22 milyon. Ang pinakahuli at pinakamalaking alok na ₱30 milyon ay mariin pa rin niyang tinanggihan.
“I just cannot promote something I don't believe in. There are many ways to make money the right way and feel good about how you earned your money; with dignity and respect,” dagdag niya.
Sa kabila ng talamak na pag-eendorso ng industriya ng pagsusugal, nananatiling buo ang paninindigan ni Miss Grace sa pagtataguyod ng mga positibong adhikain at pagiging isang mabuting ehemplo sa publiko. Para sa kanya, ang integridad at respeto sa sarili ay higit pa sa anumang halaga ng salapi.
Si Miss Grace na unang nakilala bilang si 'Marites' ang dating asawa ng content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Tumira siya sa Cotabato at Ilocos bago sila pumunta sa USA. Bata pa lang siya nang lumipat sila sa Amerika sa edad na 9 na taon. Natapos niya ang Doctorate Degree in Nursing.
Palaban na sinagot ni Miss Grace ang isang dummy account na nagkomento sa kanyang Instagram post. Sinabi nito na pangit pa rin si Miss Grace kahit aniya ay todo na ito sa paggamit ng filter. Sagot naman ni Miss Grace, walang filter ang kanyang video hindi kagaya daw ng aniya ay 'queen of filter'. Dagdag pa niya, hindi pa daw nakaka-move on sa kanya ang mga taong hindi na niya pinangalanan.
Nag-post si Miss Grace ng isang picture ng aso na may nakalagay na salitang "kawawa". Wala itong ibang nakalagay na caption kundi ang salitang "Hala" kalakip ng emoji na nakatakip ang kamay sa bibig at lying face emoji. Matapos nga lumabas ang panayam ng kanyang dating asawang si Joel Mondina o Pambansang Kolokoy ay marami ang nag-aabang sa magiging pahayag niya. Gayunpaman, wala itong nilalabas na pahayag kaugnay sa mga sinabi ng dating asawa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh