H&M Philippines, humingi ng paumanhin sa insidente kaugnay ng PWD Customer sa Sta. Rosa Laguna
- Nagreklamo ang isang customer ng H&M Vista Mall Sta. Rosa Laguna dahil umano sa hindi makataong pagtrato sa kanilang PWD na anak
- Sinabi ng H&M Philippines na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng kanilang staff at customer tungkol sa stroller ng bata
- Humingi ng paumanhin ang H&M at sinabing nire-review nila ang insidente upang matuto at maiwasan ang ganitong pangyayari sa hinaharap
- Pinaalalahanan na ng H&M ang kanilang mga tauhan tungkol sa accessibility policies para sa mas maayos na serbisyo sa lahat ng customer
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naglabas ng opisyal na pahayag ang H&M Philippines matapos ang reklamo ng isang customer tungkol sa umano’y hindi makataong pagtrato sa kanila sa H&M store sa Vista Mall, Sta. Rosa, Laguna.
Sa viral post ng customer, inilahad niyang pinalabas sila ng manager ng tindahan dahil sa stroller ng kanyang anak, na sinabing bulag at bingi at may kapansanan. Ani ng reklamo, nais sana nilang bumili ng damit para sa bata ngunit hindi ito natuloy dahil sa insidente. Dagdag pa nila, sa halip na mag-sorry ang manager, sinabihan pa silang huwag nang mamili sa tindahan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bilang tugon, sinabi ng H&M na pinahahalagahan nila ang lahat ng kanilang customers at nakatuon sa pagbibigay ng inklusibong karanasan sa pamimili. Ayon sa kanilang pahayag, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan nang harapin ng staff ang customer hinggil sa paggamit ng malaking stroller, na hindi nila agad natukoy na para sa bata na may kapansanan.'
“ We regret any distress this may have caused and are reviewing the situation to ensure we learn from it.” ayon sa H&M. Nire-review na umano nila ang sitwasyon upang matuto mula rito. Bilang bahagi ng kanilang hakbang, pinaalalahanan na ang mga tauhan tungkol sa kanilang accessibility policies upang masigurong hindi na mauulit ang ganitong insidente.
Nanawagan ang H&M sa mga customer na may katanungan o hinaing na makipag-ugnayan sa kanilang customer service sa customerservice.ph@hm.com. Tiniyak din nila ang kanilang pagsusumikap na mapabuti pa ang kanilang serbisyo upang maayos na mapagsilbihan ang lahat ng customer, kabilang ang mga Persons with Disabilities (PWD).
Mahalaga ang PWD inclusivity upang masiguro ang pantay na karapatan at oportunidad para sa lahat, anuman ang kanilang kalagayan. Sa pamamagitan nito, nabibigyang halaga ang dignidad ng mga taong may kapansanan, at naipapakita ang respeto at malasakit ng lipunan. Ang mga inklusibong espasyo, serbisyo, at polisiya ay nagbibigay-daan upang makilahok ang PWDs sa iba't ibang aspeto ng buhay—trabaho, edukasyon, at pampublikong serbisyo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh