Pinagbubuntis na 8-buwang sanggol, patay matapos aksidenteng mabaril ng ama
- Patay ang 8-buwang sanggol sa sinapupunan ng isang ginang sa Cadiz City, Negros Occidental matapos aksidenteng mabaril ng kinakasama
- Nagtungo ang suspek sa bahay ng kaibigan upang ipakita ang kanyang .38 revolver nang ito ay aksidenteng pumutok at tinamaan ang tiyan ng buntis niyang partner
- Agad isinugod sa ospital ang ginang ngunit hindi na naisalba ang buhay ng sanggol sa kanyang sinapupunan
- Sumuko sa mga awtoridad ang suspek at nahaharap sa kasong illegal possession of firearm and ammunition
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang malagim na insidente ang naganap nitong Sabado sa Barangay VF Gustilo, Purok Zone 4, kung saan isang 8-buwang sanggol sa sinapupunan ang binawian ng buhay matapos aksidenteng mabaril ng ama nito ayon sa ulat ng ilipino Star Ngayon.
Ayon sa ulat na ibinigay kay PLt. Col. John Joel Batusbatusan, hepe ng Cadiz City Police Station, nagtungo umano ang 35-anyos na suspek sa bahay ng isang kaibigan kasama ang kanyang 34-anyos na live-in partner. Layunin ng lalaki na ipakita ang dala niyang .38 revolver sa mga kaibigan. Subalit, habang ipinapakita ang baril, ito ay aksidenteng pumutok at tumama sa tiyan ng kanyang buntis na kinakasama.
Agad namang isinugod ang ginang sa pinakamalapit na ospital upang mailigtas sana ang buhay ng sanggol, subalit hindi na nagtagumpay ang mga doktor na mailigtas ang bata.
Sumuko ang suspek sa mga awtoridad matapos ang insidente. Hindi na siya kakasuhan ng kanyang kinakasama matapos nitong humingi ng tawad. Gayunpaman, patuloy na isinusulong ng mga pulis ang kaso laban sa kanya para sa illegal possession of firearm and ammunition.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Patuloy ang imbestigasyon sa insidenteng ito, habang nagdadalamhati ang pamilya sa biglaang pagkawala ng kanilang magiging sanggol.
Samatnala, agaw-eksena sa TikTok ang nakakadurog ng pusong kwento ng lalaking namatayan ng kanyang mag-ina. Ang masaklap, hindi na nito inabot ang kanyang graduation day na isa rin sa mga pangarap nila ng kanyang nobya. Hindi manlang daw nila naiburol ang mga ito at agad na ipina-cremate. Bukod sa pakikiramay, nalulungkot din ang mga netizens na nakapanood ng naturang TikTok video.
Kamakailan ay pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang buntis na babae na si Jacquelyn Petiza sa Cotabato City. Naganap ang insidente bandang 11:00 AM, October 10, 2024 sa San Isidro St., Rosary Heights 10, habang naglalakad ang biktima.Sakay ng motorsiklo ang mga suspek, at binaril sa ulo ang biktima na agad niyang ikinasawi. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.
Source: KAMI.com.gh