Teacher, emosyonal na ibinahagi ang kakaibang regalong natanggap
- Emosyonal na ibinahagi ng isang teacher ang kakaibang regalong kanyang natanggap para sa Teacher's Day
- Hindi man niya estudyante ngayong taon ang nagbigay, labis siyang naantig nang maalala pa siya nito
- Sa dami ng kanyang natanggap na pagbati at regalo, ito umano ang pinaka na-appreciate niya
- Mapapansin din sa post na tila ang teacher ang nakaisip na isurpresa rin ang mag-aaral na nagbigay nito sa kanya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi napigilan ng isang teacher na maluha nang ibahagi niya ang kakaibang natanggap na regalo sa pagdiriwang ng World Teacher's Day.
Sa post ni Teacher Sheng Vlog, makikitang hawak niya ang ilang piraso ng sangang may dahon na nakabalot sa papel.
Kwento ni Teacher Sheng, hindi raw nagdalawang-isip ang nagbigay nito sa kanya sa kabila ng mga iba pang regalong handog ng iba pa niyang estudyante.
"Deserve mong i flex anak! Sa dami ng bulaklak and chocolates na natanggap ni teacher pero hindi ka nagdalawang-isip na bigyan ako nito para maipakita at maparamdam mo yung pag appreciate mo sa akin bilang isang teacher kahit hindi mo na ako teacher ngayon."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Simpleng bagay man iyan kahit simpleng “greetings” lang ay masaya na kami," dagdag pa ni Teacher Sheng at sinabing ang mas mahalaga ay makita nilang nagsusumikap mag-aral upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanilang mag-aaral.
Kapansin-pansin din ang isang larawan sa post kung saan tila may surpresa rin si Teacher Sheng sa kanyang estudyante.
Narito ang kabuuan ng post:
Sa ngayon, ilang mga teachers na rin ang nagbibigay lalo ng inspirasyon sa publiko sa pagbabahagi nila ng mga kaganapan sa paaralan. Isa na rito si Teacher Jeric na bukod sa pagtuturo ng aralin sa kanyang mga estudyante, nagagawa pa niya itong pakainin at bigyan pa ng iba pa nitong mga pangangailangan.
Matatandaang noong first grading period, naghandog ito ng bagong bag, ilang kilo ng bigas, regalo, jacket, sertipiko at rosaryo sa kanyang masisipag na mag-aaral na nakasama sa honor roll.
Subalit sa sumunod na markahan, namahagi rin siya ng biyaya sa mga magulang ng honor students kung saan binigyan niya ang mga ito ng isang sako ng bigas. Sa video na naibahagi ni Teacher Jeric, Mababakas naman ang saya sa mga magulang at napakalaking tulong na umano sa kanilang pamilya ang natanggap na biyaya na produkto ng kasipagan ng kanilang mga anak.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh