Teacher, namahagi ng isang sakong bigas sa bawat magulang na dumalo sa PTA meeting

Teacher, namahagi ng isang sakong bigas sa bawat magulang na dumalo sa PTA meeting

- Muling hinangaan ang gurong si Jeric Maribao nang muli siyang mamahagi ng biyaya

- Hindi lamang mga estudyante ang kanyang sinurpresa kundi maging maga magulang nito

- Dahil sa bawat dumalo ng Parent-Teacher assembly ay binigyan niya ng isang sakong bigas

- Nag-viral si Teacher Jeric sa nakaka-inspire na paraan niya ng pagtuturo at pagmamalasakit sa kanyang mga estudyante

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling namahagi ng biyaya ang teacher na si Jeric Maribao ng Misamis Occidental at ngayon, hindi lang sa kanyang mga estudyante kundi maging sa mga magulang nito.

Teacher, namahagi ng isang sakong bigas sa bawat magulang na dumalo sa PTA meeting
Si Teacher Jeric kasama ang isang magulang na nabiyayaan ng isang sakong bigas (Jerics Channel)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa 3rd Parent-Teacher assembly ng kanilang paaralan, isang sakong bigas ang ibinigay ni Teacher sa mga magulang na dumalo.

"This is the happiest and emotional PTA meeting I have ever organized."

Read also

Heart Evangelista sa hindi pagdalo sa kasal ni Lovi Poe: "My dad is in the hospital"

Bukod sa pagbabahagi ng biyaya, binigyan din niya ng pagkakataon ang kanyang mga estudyante na makapag-sorry sa kanilang mga magulang na maaring hindi nila nagagawa sa kanilang tahanan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"After showing happy gestures, I let my pupils say sorry towards their parents. A sorry for the mistakes they showed towards them. A mini reunion or retreat with the participation of learners to celebrate the oneness of Parents and Teacher Association," ang bahagi ng caption ng post ni Teacher Jeric.

Narito ang kabuuan ng video:

Matatandaang minsan nang nag-viral ang gurong ito dahil sa kakaiba at napakahusay na pamamaraan upang mas lalong ganahang mag-aral ang kanyang mga estudyante.

Sa Unang Markahan, naghandog ng bagong bag, ilang kilo ng bigas, regalo, jacket, sertipiko at rosaryo sa kanyang masisipag na mag-aaral na nakasama sa honor roll.

Read also

Joshua Garcia, emosyonal sa premiere ng Unbreak my Heart: "Finally ito na, pinalabas na"

Ilang video rin niya ang nagpapakita na napapakain pa niya ang kanyang mga mag-aaral ng masusustansiyang pagkain at may kasama pang vitamins bago magsimula ang kanilang klase.

Tulad ni teacher Jeric, ilang mga teachers din ang nag-viral sa pagbubukas ng in-person classes noong Setyembre ng 2022.

Kanya-kanyang gimik din ang mga teachers para lamang masigurong masaya ang pagbabalik eskwela ng mga bata. Isa na rito ang kakaibang paraan ng pag-aattendance kung saan sa halip na 'present' ang sasabihin, 'Darna' sinasabi ng bata para malaman ng teacher na naroon siya.

Gayunpaman, may ilang tila hirap pa rin sa pagbabalik paaralan ng mga bata lalo na iyong mga magulang na labis na naapektuhan ng pandemya. Isa na rito ang nag-viral na liham ng isang magulang na ibinahagi ng teacher.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica