Doc Liza Ong emosyonal nang nag-file ng candidacy ni Dr. Willie Ong
- Naging emosyonal si Doc Liza Ong habang inihain ang COC ng kanyang asawang si Doc Willie Ong para sa pagka-senador
- Si Doc Willie ay kasalukuyang nagpapagamot sa Singapore para sa sarcoma, isang tumor na tumubo sa likod ng kanyang puso
- Ayon kay Doc Willie, maaaring nakaambag ang negatibong karanasan mula sa 2022 elections sa kanyang sakit
- Sa kabila ng laban sa kanser, desidido si Doc Willie na tumakbo at isulong ang mas maayos na serbisyong pangkalusugan sa Pilipinas
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hindi napigilan ni Doc Liza Ong, asawa ni Doc Willie Ong, ang maging emosyonal habang siya ang kumatawan sa kanyang asawa sa paghain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa pagtakbo bilang senador sa darating na 2025 elections. Ang filing ng kandidatura ay kasalukuyang isinasagawa, at habang may mga incumbent politicians na muling tumatakbo, may mga bagong aspirante rin, kabilang na si Doc Willie Ong.
Sa kasalukuyan, si Doc Willie ay nasa Singapore para sa kanyang pagpapagamot laban sa kanser. Siya ay na-diagnose na may sarcoma, isang 16-sentimetrong tumor na tumubo sa likod ng kanyang puso, harap ng kanyang gulugod, na humaharang sa kanyang esophagus. Ayon kay Doc Willie, naniniwala siya na ang mga negatibong karanasan at batikos mula sa 2022 elections, kung saan tumakbo siya bilang bise presidente at nagtapos sa ika-apat na puwesto, ay maaaring nakaambag sa kanyang kalagayan.
Sa kabila ng kanyang laban sa kanser, nananatili ang dedikasyon ni Doc Willie na maglingkod sa bayan at isulong ang mas maayos na sistema ng serbisyong pangkalusugan sa Pilipinas. Desidido siyang tumakbo bilang senador sa susunod na halalan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa filing ng COC sa The Manila Hotel, si Doc Liza, kasama ang kanilang legal counsel, ay nagbigay ng maikling pahayag sa media, ipinapakilala ang kanyang sarili bilang kinatawan ng kanyang asawa. Ipinahayag niya ang pasasalamat para sa suporta na kanilang natatanggap.
Si Willie Tan Ong ay isang Filipino cardiologist, internist, at media personality na sumikat dahil sa pagbibigay ng mga payong medikal sa kanyang Facebook page at YouTube channel. Nakilala din siya sa programang Salamat Dok bilang isa sa mga resident medical expert at volunteer doctor mula 2008 hanggang 2018. Bukod pa rito, naging regular din siyang kolumnista sa The Philippine Star at Pilipino Star Ngayon kung saan nagsusulat siya tungkol sa kalusugan.
Matatandaang naikwento ni Doc Willie Ong na minsan siyang sumailalim sa hosting workshop ni Boy Abunda. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang 'Kuya Boy' na siyang humasa ng kanyang kakayahan ngayon sa pag-host tulad ng kanyang YouTube channel.
Ipinaliwanag din ni Doc Willie ang tungkol sa sinasabing sanhi ng pagpanaw ni Jovit Baldivino, ang an*urysm. Bagama't bata pa si Jovit sa karaniwang edad na tinatamaan nito, may ibang maaring dahilan kung bakit hindi siya nakaligtas sa pagkakaroon nito.
Source: KAMI.com.gh