Jinkee Pacquiao, may pasilip sa first day ng anak na si Mary Pacquiao sa Royal Holloway

Jinkee Pacquiao, may pasilip sa first day ng anak na si Mary Pacquiao sa Royal Holloway

- Sinamahan nina Manny at Jinkee Pacquiao si Mary Pacquiao sa unang araw niya sa Royal Holloway, University of London

- Ibinahagi ni Jinkee ang school tour sa kanyang Instagram gamit ang mga hashtag na “school tour” at “first day of school”

- Makikita sa video na inaayos ni Manny ang kama ni Mary habang si Jinkee ay nagluluto sa dormitoryo

- Pinahayag ni Jinkee ang suporta nila sa pangarap ng anak kahit masakit na mawalay ito sa kanila

Sinimulan ni Mary Pacquiao, anak nina Manny at Jinkee Pacquiao, ang kanyang unang araw bilang isang estudyante sa Royal Holloway, University of London. Kasama ang kanyang mga magulang at kapatid na si Michael, sumama ang pamilya sa isang school tour na makikita sa Instagram post ni Jinkee Pacquiao noong Martes, Setyembre 24.

Jinkee Pacquiao, may pasilip sa first day ng anak na si Mary Pacquiao sa Royal Holloway
Jinkee Pacquiao, may pasilip sa first day ng anak na si Mary Pacquiao sa Royal Holloway
Source: Instagram

Sa caption ng post, ginamit ni Jinkee ang mga hashtag na “school tour” at “first day of school,” at tinag ang opisyal na Instagram account ng unibersidad.

Read also

Dating PBB housemate, Chinese translator sa Senate hearing ukol sa POGO

Sa sumunod na post, ipinakita rin ang kanilang paghatid kay Mary, na kilala rin bilang Princess, sa kanyang dormitoryo. Makikita si Manny na inaayos ang kama ng anak habang si Jinkee naman ay nagluluto para sa kanila.

“We love you Princess,” ani ni Jinkee, na binigyang-diin ang kanilang suporta sa pangarap ng anak kahit masakit na mawalay sa kanya. Dagdag pa niya, “We know you’ll be fine. God loves you.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kasama rin sa kanilang pagbisita ang pagtungo sa ilang kilalang tourist spots sa London. Si Mary, na nagtapos ng high school nitong Mayo, ay pangatlo sa limang anak nina Manny at Jinkee. Siya ay nagdiwang ng kanyang ika-17 kaarawan noong Oktubre ng nakaraang taon.

Si dating Senator Manny Pacquiao ay isang kilalang kampiyon na boxer na naging senador. Siya si Emmanuel Dapidran Pacquiao sa totoong buhay. Pinagtuunan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo. Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

Read also

Amy Nobleza, nagtapos sa kolehiyo bilang Magna Cùm Laude; pinasalamatan si Vice Ganda

Kamakailan ay pinasalamatan ni Annabelle Rama sina Sen. Pacquiao at ang misis nitong si Jinkee Pacquiao. Ito ay para sa kanyang natanggap na umano ay pangkabuhayan birthday gift mula sa mag-asawa. Naiintindihan niya umano na hindi nakadalo ang mag-asawa dahil abala si Sen. Pacquiao sa exhibition fight na gaganapin sa Dec. 11, 2022. Aniya, dalangin niyang tuloy-tuloy ang swerteng dumating sa mag-asawa na aniya ay talaga namang generous.

Kamakailan ay inamin umano ng retiradong referee na si Carlos Padilla ang tungkol sa cheating para umano matulungang manalo si Manny sa laban nito kay Nedal Hussein noong 2000. Aniya, sinadya niyang tagalan ang pagbibilang hanggang sampu matapos ma-knock down si Pacquiao. Sinabi niya rin na mula sa suntok ang umano'y headbutt ni Pacquiao kay Hussein. Pinalabas niya rin umano na malala ang sugat ni Hussein kaya natigil ang match at nanalo si Pacquiao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate