Doc Willie Ong, binahagi ang kanyang napagtanto sa pagpapagamot sa Singapore

Doc Willie Ong, binahagi ang kanyang napagtanto sa pagpapagamot sa Singapore

- Binahagi ni Doc Willie Ong ang kanyang napagtanto matapos magpagamot sa Singapore

- Nais niyang maiangat ang antas ng healthcare sa Pilipinas upang maiwasan ang mga aniya'y 'needless deaths'

- Inihayag niya ang pagkakaiba ng pondo at suporta sa pagitan ng first world countries at ng Pilipinas

- Ipinangako niyang gagawing misyon na itaas ang kalidad ng gamutan sa bansa para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon

Ibinahagi ni Doc Willie Ong ang kanyang mga napagtanto matapos magpagamot sa Singapore at inihayag ang kanyang hangaring maiangat ang sistema ng kalusugan sa Pilipinas. Ayon sa kanya, nais niyang dalhin ang mataas na antas ng gamutang nakita niya sa Singapore patungo sa bansa upang maiwasan ang mga aniya'y 'needless deaths.'

Doc Willie Ong, binahagi ang kanyang napagtanto sa pagpapagamot sa Singapore
Doc Willie Ong, binahagi ang kanyang napagtanto sa pagpapagamot sa Singapore
Source: Facebook
I want to bring Singapore first world healthcare closer to the Philippines. So we can save needless deaths. The budget and support given by first world countries to healthcare is incomparable to our Philipppine budget.

Read also

Heart Evangelista, ibinida ang video na kuha niya sa Milan runway show: "Video by yours truly"

Ani Ong, ang pondo at suporta na ibinibigay ng mga first world countries sa healthcare ay malayo sa kasalukuyang budget ng Pilipinas. "So we do not blame our health workers with limited resources to care for our patients," dagdag pa niya.

Sa kanyang karanasan sa Singapore, nakita niya kung paano inaalagaan ng mga Pilipinong health workers ang mga pasyente. Dahil dito, mas naging malinaw sa kanya ang misyon na itaas ang kalidad ng gamutan sa Pilipinas.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Dahil namulat ang mata ko sa gamutan dito, gagawin kong misyon na itaas ang antas ng gamutan sa Pilipinas. I love you all. Para sa ating lahat ito at sa susunod na henerasyon, ani Doc Willie, na nagtapos sa pagsabing "God be my Guide."

Si Willie Tan Ong ay isang Filipino cardiologist, internist, at media personality na sumikat dahil sa pagbibigay ng mga payong medikal sa kanyang Facebook page at YouTube channel. Nakilala din siya sa programang Salamat Dok bilang isa sa mga resident medical expert at volunteer doctor mula 2008 hanggang 2018. Bukod pa rito, naging regular din siyang kolumnista sa The Philippine Star at Pilipino Star Ngayon kung saan nagsusulat siya tungkol sa kalusugan.

Read also

Harry Roque: 'Pugante ako sa Kongreso lamang, wala po akong pakialam'

Matatandaang naikwento ni Doc Willie Ong na minsan siyang sumailalim sa hosting workshop ni Boy Abunda. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang 'Kuya Boy' na siyang humasa ng kanyang kakayahan ngayon sa pag-host tulad ng kanyang YouTube channel.

Ipinaliwanag din ni Doc Willie ang tungkol sa sinasabing sanhi ng pagpanaw ni Jovit Baldivino, ang an*urysm. Bagama't bata pa si Jovit sa karaniwang edad na tinatamaan nito, may ibang maaring dahilan kung bakit hindi siya nakaligtas sa pagkakaroon nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate