Nawawalang 8 anyos na bata, nadiskubreng wala nang buhay at isinilid sa sako

Nawawalang 8 anyos na bata, nadiskubreng wala nang buhay at isinilid sa sako

- Natagpuan sa Taytay, Rizal ang bangkay ng nawawalang 8-taong-gulang na batang babae na nakasilid sa sako

- Isang residente ang nakakita ng sako na iniwan sa harap ng isang nakaparadang sasakyan

- Kinumpirma ng ina ng biktima na ito ang kanyang anak na napaulat na nawawala noong Miyerkules

- Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang dahilan ng pagkamatay ng bata at kung sino ang nasa likod ng krimen

Isang kalunos-lunos na pangyayari ang naganap sa Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal, matapos matagpuan ang bangkay ng isang batang babae na nakasilid sa sako. Ang biktima, isang 8-taong-gulang na batang napaulat na nawawala noong Miyerkules ng hapon, ay kinumpirma ng kanyang ina na siya ang natagpuang patay na nitong hatinggabi.

Nawawalang 8 anyos na bata, nadiskubreng wala nang buhay at isinilid sa sako
Nawawalang 8 anyos na bata, nadiskubreng wala nang buhay at isinilid sa sako (PITIK NI CESAR | Facebook)
Source: Facebook

Ayon sa ulat, isang residente ng Lupang Arenda ang nakakita ng isang sako na kulay asul na iniwan sa harap ng isang nakaparadang sasakyan. Dahil sa kahina-hinalang itsura nito, agad siyang nag-report sa mga awtoridad. Nang buksan ng mga pulis ang sako, tumambad ang walang buhay na katawan ng bata.

Read also

Lyca Gairanod, binahagi ang reaksiyon ng kanyang papa matapos nilang hindi magkita ng apat na araw

Lubos na nagdadalamhati ang pamilya ng biktima, lalo na ang kanyang ina na nag-post sa social media matapos matagpuan ang kanyang anak. "Anak ko 😭😭😭 wala naman kami kagalit at hindi ka naman salbahe, bakit ganun? Napakahayup ng taong pag-iisipan ka ng ganun. Mahal na mahal na mahal kita, Ate 🥺♥️ wag mong bigyan ng katahimikan ang gumawa sayo nun," ayon sa pahayag ng ina.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang alamin ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng bata at matukoy kung sino ang nasa likod ng krimen. Nanawagan naman ang mga magulang ng bata na mabigyan ng hustisya ang kanilang anak at mabigyan ng karampatang parusa ang salarin.

Samantala, sa ibang balita, matatandaang gumimbal sa publiko ang video na kuha sa dash cam ng isang pampublikong bus kung saan nakuhanan ang walang habas na pamamaril sa dalawang pasahero na napag-alamang live-in partners. Naganap ito nitong November 15, 2023 sa Nueva Ecija.

Read also

Dahlia, kinaaliwan ang reaksiyon sa kanyang Uncle Nico Bolzico na nakababad sa nagyeyelong tubig

Matatandaang posible umanong may motibo ang anak ng biktimang babae sa naganap na pamamaril sa loob ng isang pampasaherong bus. Ayon sa PNP, nagkaroon ng alitan ang isa sa mga biktima at ang anak nito na kanyang kinasuhan.

Samantala, isinapubliko ng News5 ang bahagi ng video kung saan naghabilin ang babaeng biktima ng pamamaril sa loob ng bus sa Nueva Ecija.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate