Program manager ng TV5 na umano'y nanghalay sa male researcher, tanggal na
- Tinanggal na ng TV5 si Cliff Gingco matapos ang reklamong seksuwal na pang-aabuso laban sa kanya
- Kinumpirma ni Sen. Raffy Tulfo ang desisyon kasunod ng imbestigasyon ng Kapatid Network
- Personal na nakipag-ugnayan si TV5 Chairman Manuel V. Pangilinan kay Sen. Tulfo tungkol sa resolusyon
- Nahaharap si Gingco sa kasong kriminal at tumutulong ang "Raffy Tulfo in Action" upang masiguro ang hustisya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Kinumpirma ni Sen. Raffy Tulfo na tinanggal na ng TV5 ang News and Public Affairs program manager na si Cliff Gingco matapos siyang ireklamo ng seksuwal na pang-aabuso. Ayon sa ulat, ang desisyon ay bunga ng masusing imbestigasyon na isinagawa ng Kapatid Network, kung saan may sapat na ebidensyang nakalap na nagpapatibay sa reklamo ng isang male news researcher laban kay Gingco.
Ibinahagi ni Sen. Tulfo na personal na nakipag-ugnayan sa kanya si TV5 Chairman Manuel V. Pangilinan upang ibalita ang resolusyon ng nasabing imbestigasyon. Ayon kay Pangilinan, lumitaw daw sa imbestigasyon na may malakas na basehan ang reklamo, dahilan upang tanggalin si Gingco sa kanyang posisyon.
Matatandaang lumapit ang biktima sa programang “Raffy Tulfo in Action” noong August 9 upang humingi ng tulong sa pagkamit ng hustisya laban sa naranasang pang-aabuso. Agad namang kumilos si Sen. Tulfo at nagpadala ng liham kay Chairman Pangilinan upang matiyak na magkakaroon ng patas na imbestigasyon at walang mangyayaring cover-up.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Bukod sa pagkakatanggal kay Gingco, sinabi rin ni Pangilinan na ang TV5 ay magbibigay ng buong suporta sa biktima, kabilang na ang medical assistance gaya ng therapy. Sa kasalukuyan, nahaharap din si Gingco sa kasong kriminal na isinampa sa piskalya, kung saan patuloy na tumutulong at nakatutok ang "Raffy Tulfo in Action" upang masiguro ang maayos na pag-usad ng kaso.
Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang kilalang broadcast journalist at politiko sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang programang "Raffy Tulfo in Action," kung saan tinutulungan niya ang mga ordinaryong mamamayan na may mga reklamo laban sa pang-aabuso at kawalang-katarungan. Noong 2022, nahalal siya bilang senador at itinataguyod ang mga batas na proteksyon para sa mga manggagawa at iba pang sektor.
Matatandaang dumulog si Cherry White sa programa ni Sen. Raffy Tulfo. Ito ay para ireklamo si Boy Tapang kaugnay sa aniya'y paninira nito sa kanya sa kanyang live video sa social media.
Binahagi naman ni Madam Inutz ang picture niya kasama si Senator Raffy sa kanyang Facebook post. Kalakip ng kanyang binahaging picture ay ang mensahe niya sa hindi pinapangalanang tao.
Source: KAMI.com.gh