Barangay Kagawad, binaril ng riding-in-tandem sa harap ng sariling anak sa Quiapo
- Patay ang barangay kagawad na si Stella Sky Lim matapos barilin ng riding-in-tandem sa Quiapo, Manila
- Nakaligtas ang kanyang 11-anyos na anak na kasama niyang naglalakad sa oras ng krimen
- Isang suspek na ang naaresto at pulitika ang isa sa mga tinitingnang motibo ng mga pulis
- Ang pamilya ng biktima ay nababahala sa epekto ng krimen sa anak ni Lim na nakasaksi sa pangyayari
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi nakaligtas ang isang babaeng barangay kagawad matapos barilin ng riding-in-tandem habang kasama niya ang kanyang 11-anyos na anak na naglalakad sa Quiapo, Manila.
Ayon sa ulat sa GMA News 24 Oras ni Mark Salazar nitong Huwebes, kinilala ang biktimng si Stella Sky Lim. Dalawang beses siyang binaril ng mga salarin sa Barangay 393, Quiapo.
Isang suspek na umano ang naaresto ng mga pulis, at pulitika ang isa sa mga motibong tinitingnan sa krimen. Sinabi ng kinakasama ni Lim, si Gilbert dela Cruz, na marami silang natutulungan, lalo na ang kanyang asawa, at nagtataka sila kung bakit binaril si Lim ng ganun na lang. Ayon kay dela Cruz, tatanungin niya ang nahuling suspek kung bakit kailangan pang barilin si Lim, at sinabi niyang handa naman nilang ibigay ang posisyon kung iyon ang gustong makuha ng suspek.
Inaalala rin ng pamilya ang trauma at epekto sa anak ni Lim na nasaksihan ang krimen. Sinabi ni dela Cruz na tinatanong niya ang kanilang anak kung ano ang nararamdaman nito at hinikayat niya itong magsabi upang malaman nila kung paano ito matutulungan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon naman kay Barangay 383 Kapitana Zobaida Sharief, isa sa masisipag na kagawad si Lim at patapos na ang termino nito. Sinabi rin ni Sharief na wala siyang maisip na posibleng dahilan sa nangyari kay Lim at inamin niya na mainit ang pulitika sa kanilang lugar, na siya at ang kanyang asawa ay dati na ring pinagtangkaan ang buhay. Dagdag ni Sharief, kahit anong ingat ay walang magagawa kapag pinagplanuhan ang isang tao.
MAtatandaang gumimbal sa publiko ang video na kuha sa dash cam ng isang pampublikong bus kung saan nakuhanan ang walang habas na pamamaril sa dalawang pasahero na napag-alamang live-in partners. Naganap ito nitong November 15, 2023 sa Nueva Ecija.
Matatandaang posible umanong may motibo ang anak ng biktimang babae sa naganap na pamamaril sa loob ng isang pampasaherong bus. Ayon sa PNP, nagkaroon ng alitan ang isa sa mga biktima at ang anak nito na kanyang kinasuhan.
Samantala, isinapubliko ng News5 ang bahagi ng video kung saan naghabilin ang babaeng biktima ng pamamaril sa loob ng bus sa Nueva Ecija.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh