Babae, walang habas na pinagsasaksak ng mismong live-in partner nya
- Isang 22-taong-gulang na babae ang walang habas na pinagsasaksak ng kanyang dating live-in partner sa Caloocan City
- Naaresto ang 22-taong-gulang na suspek sa Tanza, Cavite sa isang follow-up operation ng pulisya
- Naniniwala ang mga pulis na nagselos ang suspek kaya niya nagawa ang krimen
- Nasa kustodiya na ng Caloocan police ang suspek habang inihahanda ang mga dokumento para sa inquest proceedings
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang suspek ang naaresto noong Biyernes dahil sa pagpatay sa kanyang dating live-in partner sa Caloocan City, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO). Ang 22-taong-gulang na suspek ay nahuli sa isang follow-up operation sa Tanza, Cavite, dakong alas-2 ng madaling araw.
Ayon sa pulisya, walang habas na pinagsasaksak ng suspek ang 22-taong-gulang na biktimang si Marian Angeline Manaois sa harap ng isang restaurant sa Loreto Street, Barangay 85, Bagong Barrio, Caloocan noong Miyerkules, bandang alas-7:20 ng gabi. Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang suspek patungong Quezon City sa kahabaan ng EDSA.
Agad na dinala si Manaois sa MCU Hospital, ngunit idineklara siyang patay ng mga doktor na sumuri sa kanya. Ayon sa imbestigasyon, naniniwala ang mga pulis na nagselos ang suspek, dahilan upang gawin niya ang karumal-dumal na krimen.
Magkahalong galit at pagdadalamhati ang nararamdaman ng ina ng biktima sa brutal na sinapit ng anak.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Yung napanood ko yung video kung pano siya pinagsasaksak sa parang hayop, hindi ko makaya sa totoo lang. Hindi siya naawa binalikan pa niya, tas sinaksak pa niya uli.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Caloocan police ang suspek habang inihahanda ang mga kinakailangang dokumento para sa agarang inquest proceedings. Sa isang pahayag, ipinahayag ni NCRPO chief Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr. ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng biktima at tiniyak na hindi sila titigil hangga't hindi nakakamit ang hustisya para kay Manaois.
Matatandaang gumimbal sa publiko ang video na kuha sa dash cam ng isang pampublikong bus kung saan nakuhanan ang walang habas na pamamaril sa dalawang pasahero na napag-alamang live-in partners. Naganap ito nitong November 15, 2023 sa Nueva Ecija.
Matatandaang posible umanong may motibo ang anak ng biktimang babae sa naganap na pamamaril sa loob ng isang pampasaherong bus. Ayon sa PNP, nagkaroon ng alitan ang isa sa mga biktima at ang anak nito na kanyang kinasuhan. Ayon pa sa mga otoridad, naka-blotter ang anak nito at on bail lamang ang kanyang anak. Samantala, nabanggit umano ng biktima sa kapatid niya na may posibleng banta sa kanyang buhay.
Samantala, isinapubliko ng News5 ang bahagi ng video kung saan naghabilin ang babaeng biktima ng pamamaril sa loob ng bus sa Nueva Ecija. Kuha umano ito noong Marso ng kasalukuyang taon nang sila umano ay magkaalitang mag-ina. Ito ang sinasabing dahilan bakit naging person of interest ngayon ang nag-iisang anak ng babaeng biktima. Mariin naman itong itinanggi ng anak na nakapanayam mismo ng News5.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh