Mayor Abby Binay, nagsalita tungkol sa pagpapalit ng Gil Puyat Avenue sign

Mayor Abby Binay, nagsalita tungkol sa pagpapalit ng Gil Puyat Avenue sign

- Nagsalita si Mayor Abby Binay tungkol sa kontrobersyal na pagpapalit ng mga street sign sa Gil Puyat Avenue

- Sinabi ni Mayor Binay na hindi umabot sa kanyang opisina ang request para sa permit at agad niya sanang tinanggihan ito

- Binatikos ni Mayor Binay ang mga opisyal na nagbigay ng permiso at sinabing dapat naging mas maingat sila

- Humingi ng paumanhin si Mayor Binay sa publiko at sa pamilya ni dating Senate President Gil Puyat at iniutos na tanggalin ang mga bagong sign

Nagsalita si Mayor Abby Binay ukol sa kontrobersyal na pagpapalit ng mga street sign sa Gil Puyat Avenue. Ayon kay Mayor Binay, hindi umabot sa kanyang opisina ang request para sa permit ng tinaguriang advertising campaign upang palitan ang mga street sign. Aniya, kung ito ay dumaan sa kanyang tanggapan, agad niya sanang tinanggihan.

Read also

Ginang sa Valenzuela, nagsilang sa evacuation center sa kasagsagan ng bagyong Carina

Mayor Abby Binay, nagsalita tungkol sa pagpapalit ng Gil Puyat Avenue sign
Mayor Abby Binay, nagsalita tungkol sa pagpapalit ng Gil Puyat Avenue sign
Source: Facebook

Binatikos din ng mayor ang mga opisyal ng lungsod na nagbigay ng permiso para sa nasabing pagpapalit ng street sign. Ipinahayag niya na dapat ay naging mas maingat at masinsin ang mga ito sa pagdedesisyon, at inisip ang kaguluhan na maaaring idulot sa mga motorista at komyuter. Dagdag pa ni Mayor Binay, dapat ay binigyang halaga ang respeto sa pamilya at alaala ni dating Senate President Gil Puyat.

Aminado rin si Mayor Binay sa kakulangan ng mga opisyal na nagbigay ng permiso at inilahad niyang napagsabihan na niya ang mga ito dahil sa kanilang pagkukulang. Humingi rin siya ng paumanhin sa publiko at sa pamilya ni dating Senate President Puyat, at iniutos na tanggalin ang mga bagong sign.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang pagpapalit ng 'Gil Puyat Ave.' sign.

Si Mayor Mar-len Abigail "Abby" Sombillo Binay-Campos ay isang abogado at ang kasalukuyang alkalde ng Lungsod ng Makati mula noong 2016. Dati na siyang naglingkod sa kongreso bilang kinatawan ng 2nd district ng Makati. Si Mayor Abby ay anak ng dating alkalde rin ng lungsod at naging Bise Presidente ng Pilipinas na si Jejomar Binay.

Sa kasagsagan ng pandemya, isa si Mayora Abby sa mga agarang nagbigay ng cash aid sa bawat Makatizen sa kanilang lugar gayundin ang mga pagkain na malaki ang naitulong sa mga residente ng lungsod.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate