Diwata, nagbahagi ng tulong sa mga homeles; inalala ang kalagayan niya noon tuwing bumabagyo

Diwata, nagbahagi ng tulong sa mga homeles; inalala ang kalagayan niya noon tuwing bumabagyo

- Namigay ng pagkain si Diwata sa mga homeless na naapektuhan sa kasagsagan ng bagyo

- Hindi niya napigilang alalahanin ang kanyang kalagayan noong panahong hindi pa siya nakakaahon sa buhay at homeless din

- Aniya, mas mahirap ang kalagayan niya noon dahil wala daw talagang nagbibigay sa mga kagaya nila

- Kilala pa siya ng ilan sa mga homeless na kanyang naabutan ng pagkain dahil naranasan din daw niyang tumira sa lugar na iyon kung saan sila dumaan

Sa gitna ng pananalasa ng bagyong Carina, ipinakita ni Diwata ang kanyang malasakit sa mga kababayan niyang walang tirahan. Namigay siya ng pagkain sa mga homeless na naapektuhan ng bagyo, isang hakbang na puno ng pagmamahal at pag-unawa sa kanilang sitwasyon.

Diwata, nagbahagi ng tulong sa mga homeles; inalala ang kalagayan niya noon tuwing bumabagyo
Diwata, nagbahagi ng tulong sa mga homeles; inalala ang kalagayan niya noon tuwing bumabagyo
Source: Youtube

Habang namimigay ng tulong, hindi napigilan ni Diwata na alalahanin ang kanyang kalagayan noong mga panahong hindi pa siya nakakaahon sa buhay at isa rin siyang homeless.

Read also

Kaila Estrada, binahagi ang picture ng amang si John Estrada na na-ospital

Aniya, mas mahirap ang kalagayan niya noon dahil wala talagang nagbibigay ng tulong sa mga kagaya nila. Ang karanasang ito ang nag-udyok sa kanya na maging aktibo sa pagbibigay ng suporta sa mga nangangailangan, lalo na sa panahon ng kalamidad.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami sa mga homeless na kanyang natulungan ay nakilala pa siya. Ikinuwento nila na naranasan din niyang tumira sa lugar na iyon, kung saan sila dumaan. Nakapagbigay ng inspirasyon at pag-asa ang kanyang kuwento sa marami, at nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagtulong at pakikipagkapwa-tao.

Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.

Sinagot ni Diwata ang inihayag na opinyon ni Mystica patungkol sa kanya. Sinabi ni Mystica na yumabang na raw si Diwata at tumaas na ang ere matapos nitong sumikat. Para kay Diwata, hindi naman importante sa buhay niya si Mystica kaya hindi na daw dapat niya itong pansinin. Dagdag pa niya, ang pinakamahalaga sa kanya ay ang kanyang negosyo.

Read also

Herlene Budol, bumwelta matapos siyang sabihang ugaling kalye

Minabuti ni Rosmar Tan na magsalita upang dipensahan si Diwata sa mga negatibong komento. Kabilang na dito ay ang komentong yumabang na raw ito matapos ilabas ng ilang vloggers ang video na tila hindi sila napagbigyan ni Diwata. Ani Rosmar, pinayuhan niya si Diwata na huwag na lang magpakita muna kung kailangan niyang magpahinga kesa makuhanan siya ng video.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: