Ogie Diaz, nagbahagi ng saloobin kaugnay sa customer na umano'y nagpatayo sa waiter

Ogie Diaz, nagbahagi ng saloobin kaugnay sa customer na umano'y nagpatayo sa waiter

- Nagbahagi ng opinyon si Ogie Diaz tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Jude Bacalso na nagpatayo umano ng waiter ng dalawang oras

- Ayon kay Ogie, nainsulto si Bacalso dahil tinawag siyang "sir" habang nakaayos-babae

- Iminungkahi ni Ogie na dapat nagpakita si Bacalso ng pruweba na babae siya, katulad ng birth certificate

- Hinimok ni Ogie si Bacalso na patawarin na ang waiter matapos mag-sorry at huwag nang palakihin ang isyu

Nagbahagi ng kanyang opinyon si Ogie Diaz sa social media kaugnay sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Jude Bacalso, isang LGBT writer, na umano'y nagpatayo ng isang waiter ng dalawang oras matapos siyang tawaging "sir."

Ogie Diaz, nagbahagi ng saloobin kaugnay sa customer na umano'y nagpatayo sa waiter
Ogie Diaz, nagbahagi ng saloobin kaugnay sa customer na umano'y nagpatayo sa waiter
Source: Facebook

Ayon kay Ogie, tila nainsulto si Bacalso dahil tinawag siyang "sir" habang nakaayos-babae siya. Aniya, hindi umano naabot ni Bacalso ang nais nitong pagtawag na "Ma’am." Binigyang-diin din ni Diaz na kung babae ang tingin ni Bacalso sa kanyang sarili, dapat ay nagpakita siya ng mga pruweba na magpapatunay na babae siya, katulad ng birth certificate na nagpapakita ng gender bilang "FEMALE."

Read also

Customer na umano'y nagpatayo sa waiter nang matagal dahil sa misgendering, nagsalita na

Dagdag pa ni Diaz, tila nais ni Bacalso na agad-agad mag-adjust ang mga tao sa kanyang pagbabago ng anyo. Tinukoy niya na masyadong mataas ang inaasahan ni Bacalso na mag-adjust agad ang mga tao, samantalang ito ang nagdesisyong baguhin ang kanyang pagkatao. Sinabi rin ni Diaz na matapos mag-sorry ang waiter, dapat ay pinatawad na ito ni Bacalso at hindi na pinalaki pa ang isyu.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Tinapos ni Ogie ang kanyang mensahe sa pagsasabing dapat maging maingat si Bacalso sa kanyang mga aksyon at bigyan ng pagpapatawad ang nagkamaling waiter. Hinimok niya si Bacalso na huwag masyadong bigyan ng malaking isyu ang bagay na kaya naman niyang solusyunan.

Nauna na ring naglabas ng pahayag ang naturang customer.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake"

Read also

Toni Gonzaga, binahagi ang aniya'y dahilan kung bakit naging banlag siya

Muling nabuhay ang umano'y isyu ng AlDub matapos na magsalita si Maine ukol dito sa panayam sa kanya ni Ogie. Aniya mainam na magsalita na rin si Alden upang mas mapagtibay ang pahayag ni Maine na naging on-screen partners lang sila. Sinang-ayunan din ni Ogie ang mungkahi ng netizen na sana'y maglabas din ng pahayag ang Eat Bulaga kaugnay sa isyu. Matapos kasi ang panayam kay Maine ni Ogie, agad na lumabas ang video ng 'di umano'y pagtitipon ng 'AlDub Nation.'

Sa panayam ni Ogie kay Maine, naibahagi ni Maine ang tungkol sa pakikipag-ugnayan niya sa mga AlDub fans. Noon umano ay talagang personal siyang nagpapadala ng message para pabulaanan ang mga haka-haka sa kanila ni Alden. Aniya, ayaw niyang para siyang may nilolokong tao para lang sa pera at kasikatan dahil hindi siya ganoong klase ng tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate