Josh Mojica, muling sinagot ang "diskarte o diploma?"

Josh Mojica, muling sinagot ang "diskarte o diploma?"

- Muling sinagot ni Josh Mojica ang minsang naging kontrobersyal na tanong na diskarte o diploma

- Matatandaang nagbigay ng iba't ibang pahayag ang mga content creators ukol dito, maging ang mga ordinaryong netizens

- Tila ang iba ang naging sagot ngayon ni Josh na umano'y base na rin sa kanyang research

- Si Josh Mojica ang owner ng Kangkong Chips Original na kanyang sinimulan dalawang taon na ang lumipas noong siya'y 17-anyos pa lamang

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, muli niyang binalikan ang nag-viral na katanungan online ang "diskarte o diploma."

Josh Mojica, muling sinagot ang "diskarte o diploma?"
Josh Mojica, muling sinagot ang "diskarte o diploma?" (Josh Mojica)
Source: Facebook

Matatandaang naging usap-usapan ito noon na nagkaroon ng hating pananaw sa netizens.

Ngayon, tila iba na ang kasagutan ni Josh ukol dito na aniya'y binase rin siya sa pagsasaliksik.

"Nagtataka na nga po ako ngayon sa tanong na 'yan. Kasi gamit na gamit na rin po masyado. Tapos na-realize ko po, as I do my research, Kung itanong po kasi nila 'yun, parang ang dali kunin parehas 'yan e," panimula ni Josh.

Read also

Josh Mojica, sa mga nag-aakusang yumabang na siya: "kasi po more on real talk"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Para sa akin po bakit hindi na lang kung ano 'yung magawa mo? Bakit hindi nalang 'yung kung ano ang kaya mong gawin or tingin mo mag-eexcel ka?"

"Huwag nating itanong yun ng parang ang dali kunin parehas," paalala pa niya.

Ayon pa sa Kangkong Chips Original owner, ang mahalaga, wala umano tayong inaapakan na ibang tao.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Inspires channel:

Si Josh Mojica ay owner ng Kangkong Chips Original. Matatandaang nag-viral ang tagumpay ng kanyang negosyo gayung sinimulan niya ito, dalawang taon na ang nakararaan. Sa edad na 17, napalago at naipakilala na niya ng husto ang kanyang negosyo.

Matatandaang nakapanayam din ni Ogie si Josh noong halos nagsisimula pa lamang ito sa kanyang KCO business. Naikwento niya isa sa mga unang tumangkilik ng kanyang produkto ay si Senator Ping Lacson.

Read also

Ogie D, naikwentong may gustong awayin si Claudine para sa kanya

Sa naunang panayam din nagawa pang i-prank ni Ogie D si Josh at sinabing maalat ang kanyang Kangkong chips. Makikita ang pagkagulat ni Josh maging ng kanyang supervisor na kasama rin sa eksena ni Ogie. Tila nahimasmasan naman si Josh nang purihin na ni Ogie ang kanyang produkto at sabihing prank lamang ang naunang komento.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica