Viral na Negros Oriental couple, muling ikakasal sa tulong ng mga sponsors

Viral na Negros Oriental couple, muling ikakasal sa tulong ng mga sponsors

- Ang ninang na nagbigay ng impormasyon sa bride tungkol sa pagbabago sa schedule ng kasal sa Negros Oriental ay humingi na ng paumanhin sa mag-asawa

- Viral sa social media ang mga video ng bride na nahihirapan maglakad sa aisle

- Sinabi ni Sharlene Sunico na siya ay tapat na lingkod ng Simbahan at naniwala sa haka-haka ng kanyang kasamahan

- Inaayos na ng mag-asawa ang kanilang "take 2" na kasal na suportado ng mga wedding suppliers sa lugar

Humingi ng paumanhin ang ninang na umano'y nag-inform sa bride ng pagbabago sa schedule ng kasal sa Negros Oriental noong nakaraang linggo.

Viral na Negros Oriental couple, muling ikakasal sa tulong ng mga sponsors
Viral na Negros Oriental couple, muling ikakasal sa tulong ng mga sponsors
Source: Facebook

Kumalat sa social media ang mga video ni bride Janine Suelto-Sagario na hindi makalakad ng maayos sa aisle.

Sinabi ni Sharlene Sunico, na naglilingkod din sa St. Andrew the Apostle Parish sa Amlan, na narinig niya ang tungkol sa pagbabago sa schedule mula sa kanyang kasamahan sa simbahan.

Read also

Beks Battalion, may pasilip sa bagong comedy bar ni Vice Ganda

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa kanyang pahayag sa lokal na radyo, "Ako matinud-anaon baya ko isip pagserbisyo sa Simbahan."

Nang marealize niya ang naging aberya, agad siyang humingi ng tawad kay Monsignor Albert Erasmo Bohol at nagpaliwanag na hindi sinasadya ang kanyang pagkakamali.

Inihayag din niya na humingi siya ng paumanhin sa lahat ng nasangkot sa simbahan at sa reception.

Pinapakiusap ni Sunico sa publiko na iwasan ang pag-post ng negatibong impormasyon tungkol sa insidente.

Samantala, naghihintay na ang mag-asawang ito para sa kanilang "take 2" na kasal na inorganisa at sinuportahan ng mga wedding suppliers sa Negros Oriental.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng aberya sa kasalan na nag-viral at umani ng simpatya. Matatandaang nagbigay komento si Rr Enriquez sa nag-viral na kasalan nina Jorryme at Ales Vodisek. Ito ay dahil sa kakaibang closeness ng groom sa girl best friend nito at 'best woman' sa kasal na si Shaira. Maging si RR ay nagulat sa closeness umano nina Ales at Shaira na siyang naging dahilan ng matinding pagseselos ng bride.

Read also

Diwata, umapela sa fans at vloggers: "Kapag hindi ko kaya pinagbigyan, galit kayo"

Nagkabalikan na umano ang nag-viral na bagong kasal na sina Jorryme at Ales. Matatandaang nag-viral ang dalawa dahil sa kakaibang kinikilos umano ni Ales at ng girl best friend nito. Hindi nagtagal, agad ngang nagkahiwalay sina Jorryme at Ales Vodisek at na-feature pa ang kwento nila sa KMJS. Subalit ngayon, "love is sweeter the second time around" na raw para sa dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate