Otlum, hinamon ang mga CEO ng mga skincare products: "Ako ang pagandahin nyo"

Otlum, hinamon ang mga CEO ng mga skincare products: "Ako ang pagandahin nyo"

- Usap-usapan ang online personality na nakilala sa bansag na Otlum matapos niyang magsalita tungkol sa mga endorsers na kinukuha ng CEO ng mga skincare products

- Aniya, dapat ang mga kinukuhang model ng mga ito ay hindi yung mga magaganda na

- Dapat daw ay kagaya niya ang pagandahin para mapatunayang effective ang kanilang produkto

- Umani itong samu't-saring reaksiyon kabilang na ang mga nagsasabing may punto naman si Otlum

Usap-usapan ngayon sa social media ang online personality na nakilala sa bansag na Otlum matapos niyang magbigay ng matapang na pahayag patungkol sa mga endorsers na kinukuha ng mga CEO ng mga skincare products. Sa isang viral video, sinabi ni Otlum na dapat ay hindi yung mga magaganda na ang kinukuhang modelo ng mga ito.

Otlum, hinamon ang mga CEO ng mga skincare products: "Ako ang pagandahin nyo"
Otlum, hinamon ang mga CEO ng mga skincare products: "Ako ang pagandahin nyo"
Source: Facebook

Aniya, "Kung talagang gumagana ang mga sabon at gamot ninyo, ako ang pagandahin nyo. Hindi yung maganda, ang pinapaganda nyo pa."

Read also

Searchee sa Expecially For You, tinawag na 'Dabarkads' ang Madlang Pipol

Dahil dito, umani ng samu't-saring reaksyon ang kanyang pahayag mula sa mga netizens. May mga sumang-ayon at nagsabing may punto naman si Otlum. Isang komento ang nagsabi, "Tama si Otlum, mas mapapakita ng mga kumpanya na effective ang kanilang produkto kung kaya nilang pagandahin ang mga taong may skin problems."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Subalit, mayroon din namang hindi sumang-ayon at nagsabing marketing strategy lamang ito upang mas lalong makakuha ng atensyon. Ayon sa isang kritiko, "Huwag natin kalimutan na ang pagkuha ng mga kilalang personalidad ay para mas madaling maipakilala ang produkto. Pero maganda rin na bigyan ng pagkakataon ang iba."

Sa kabila ng mga magkahalong reaksyon, tila nagtagumpay si Otlum na makuha ang atensyon ng publiko at mga CEO ng skincare products. Ang tanong na lang ngayon, may kakasa ba kaya sa kanyang hamon.

Read also

Vice Ganda, nag-react nang tawaging 'babae' ni Jhong: Magagalit si Cristy Fermin'

Si Otlum ay isang content creator na kilala sa kasalukuyan. Una siyang nag-viral matapos ang paglabas ng balita kaugnay sa pagdampot niya ng cellphone. Matapos nito ay iginiit niyang wala siyang ginawang masama. Isa rin siya sa kaibigan ni Diwata.

Kamakailan ay binenta ni Diwata ang kanyang kaldero na aniya ay may sentimental value sa kanya. Ito daw ang kalderong ginamit niya noong nag-umpisa pa lang siya ng pagbebenta ng pares. Nabili ni Boss Toyo ang kalderong ito ni Diwata sa halagang tatlong libong piso. Ani Diwata, matagal na niyang gustong ibenta ito pero naging abala lang siya.

Matatandaang binahagi ni China Roces sa kanyang Facebook page ang video ng influencer na si Otlum. Nasa ospital ito at emosyonal na humihingi ng tulong at aniya ay masakit iyon para sa kanya dahil nakaya naman niyang magtrabaho noon para buhayin ang kanyang sarili. Gayunpaman, dahil sa kanyang kalagayan ay humihingi siya ng tulong para sa pagpapagamot niya. Ayon kay China, sasailalim umano sa dialysis si Otlum at base sa naging sagot ni China sa tanong ng netizen ay leptospirosis at kidney damage ang sanhi ng pagkakaospital niya.

Read also

Diwata sa mga vloggers: "Yung iba jan naghihintay lang ng mali na sasabihin ko"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel