Vice Ganda, nag-react nang tawaging 'babae' ni Jhong: Magagalit si Cristy Fermin'

Vice Ganda, nag-react nang tawaging 'babae' ni Jhong: Magagalit si Cristy Fermin'

- Usap-usapan ang naging pahayag ni Vice Ganda habang nasa Expecially For You segment ng 'It's Showtime'

- Nag-uusap sila ni Jhong Hilario tungkol sa desisyon ng mga magkasintahang maghiwalay nang sabihin ni Jhong na 'ganyan naman kayong mga babae'

- Agad na sinagot ito ni Vice at sinabing huwag siyang tawaging babae dahil bakla siya

- Dagdag pa niya, magagalit si Cristy Fermin dahil sinabihan siya nito na hindi siya babae

Usap-usapan ngayon ang naging pahayag ni Vice Ganda habang nasa segment na 'Expecially For You' ng It's Showtime. Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ni Jhong Hilario tungkol sa desisyon ng mga magkasintahan na maghiwalay, nasabi ni Jhong ang mga katagang, "ganyan naman kayong mga babae." Agad na tumugon si Vice Ganda at sinabing huwag siyang tawaging babae dahil bakla siya.

Vice Ganda, nag-react nang tawaging 'babae' ni Jhong: Magagalit si Cristy Fermin'
Vice Ganda, nag-react nang tawaging 'babae' ni Jhong: Magagalit si Cristy Fermin'
Source: Youtube

"Huwag mong sasabihin yan, magagalit si Cristy Fermin," dagdag pa ni Vice Ganda. Ang tinutukoy niya ay ang kilalang kolumnista na si Cristy Fermin, na kilala sa kanyang matapang na opinyon tungkol sa mga isyung showbiz. Matatandaang sinabi ni Cristy na hindi babae si Vice.

Read also

Rosmar Tan, pinagtanggol si Diwata sa mga nagsasabing yumabang na daw ito

Ang naging reaksyon ni Vice Ganda ay umani ng iba't ibang komento mula sa mga manonood at netizens. Ang ilan ay nagpahayag ng suporta kay Vice, habang ang iba naman ay nagbigay ng opinyon tungkol sa gender identity at pagkakakilanlan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel