"Otlum" PJ Dela Cruz, emosyonal na humingi ng tulong matapos isugod sa ospital

"Otlum" PJ Dela Cruz, emosyonal na humingi ng tulong matapos isugod sa ospital

- Binahagi ni China Roces sa kanyang Facebook page ang video ng influencer na si Otlum PJ Dela Cruz

- Nasa ospital ito at emosyonal na humihingi ng tulong at aniya ay masakit iyon para sa kanya dahil nakaya naman niyang magtrabaho noon para buhayin ang kanyang sarili

- Gayunpaman, dahil sa kanyang kalagayan ay humihingi siya ng tulong para sa pagpapagamot nia

- Ayon kay China, sasailalim umano sa dialysis si Otlum at base sa naging sagot ni China sa tanong ng netizen ay leptospirosis at kidney damage ang sanhi ng pagkakaospital nya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nanawagan si "Otlum" PJ Dela Cruz na tulungan siya matapos itong isugod sa ospital. Ayon sa kaibigan nito na si China Roces, sasailalim umano sa dialysis si Otlum dahil sa leptospirosis na naging sanhi ng pagkakapinsala ng kanyang kidney.

Read also

Zeinab Harake, sa umano'y dahilan ng hiwalayan nila ni Skusta Clee; "Cheating po talaga"

"Otlum" PJ Dela Cruz, emosyonal na humingi ng tulong matapos isugod sa ospital
"Otlum" PJ Dela Cruz, emosyonal na humingi ng tulong matapos isugod sa ospital (@facebook.com/PuyatsMotovlog)
Source: Facebook

Ayon pa kay Otlum, masakit sa kanya na kailangan niyang umabot sa puntong manghihingi siya ng tulong dahil kinaya naman umano niyang magtrabaho para buhayin ang kanyang sarili.

Pinasalamatan niya si China dahil hindi umano siya nito iniwan. Dagdag pa niya, kung ito man ang katapusan ni Otlum ay tatanggapin niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kumanta pa ito ng awiting Start of Something New mula sa pelikulang High School Musical.

Si China Roces ay sumikat bilang FHM cover girl. Pinasok niya na rin ang paggawa ng vlog matapos ang kontrobersiyal na paghihiwalay nila ng vlogger na si Tim Sawyer. Kinalaunan ay naging talent na rin siya ng VIVA.

Matatandaang binahagi ni China na sumailalim siya sa liposuction sa Morato Medical Group noong Marso ng kasalukuyang taon. Sumailalim umano siya sa pagpapaopera upang mapalakas niya ang kumpiyansa niya sa sarili bilang isang social media influencer. Nais niyang maibalik ang dating katawan noong hindi pa siya nangangak sa baby nila ni Tim Sawyer. Aniya, papanatilihin niya ang pangangatawan niya sa pamamagitan ng tamang pagkain at palaging pagwo-workout.

Read also

Cong Velasquez, binigyang pugay ng kapatid na si Pat: "Napaka-humble na tao"

Tumabo naman sa mahigit isang milyon ang views ng isang video kung saan namataang magkausa sina Rob Moya at China. Makikita ang dalawang vlogger na nag-uusap, nagtatawanan at nagbubulungan pa. Marami naman sa mga netizens ang nakapansin na bagay umano ang dalawa at wala namang masama kung magkamabutihan sila. Ito ay sa kadahilanang parehas naman umanong single ang dalawa at may mga nagsasabing may chemistry sila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel