Tito Mars, sinagot ang komentong binabastos niya ang pagkain ng mahihirap
- Nagsalita ang content creator na si Tito Mars matapos makatanggap ng pangbabatikos
- Kasunod ito ng kanyang mga content kung saan kumakain siya ng ilan sa mga pagkaing kinakain ng pangkaraniwang Pinoy
- Pinabulaanan niyang binastos niya ang pagkain ng mga mahihirap dahil wala daw siyang sinabing pambabastos sa mga pagkain na kinain niya sa mga video
- Tinuturing din daw niya ang sarili niya na kabilang sa mga mahihirap
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagsalita ang content creator na si Tito Mars matapos makatanggap ng kaliwa’t kanang batikos mula sa netizens. Ang kontrobersiya ay nag-ugat sa kanyang mga video kung saan kinakain niya ang ilang mga pagkaing pangkaraniwan sa mga hapag ng mga simpleng pamilyang Pilipino.
Ayon kay Tito Mars, wala siyang intensyon na bastusin ang pagkain ng mga mahihirap.
Dagdag pa ni Tito Mars, tinuturing din niya ang sarili bilang bahagi ng mga mahihirap.
Sa kabila ng mga paliwanag ni Tito Mars, patuloy pa rin ang mainit na usapin sa social media. May mga nagsasabing wala itong masamang intensyon, samantalang may ilan naman na naniniwalang dapat itong maging mas sensitibo sa paggawa ng content na may kinalaman sa kultura at pamumuhay ng iba.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Tito Mars ay nakilala sa social media sa kanyang mga videos kung saan naghahayag siya ng kanyang pananaw at opinyon. Nitong mga nakaraang araw ay may mga videos siya kung saan pinagbibigyan niya ang mga eating challenge mula sa netizens kabilang na ang pagkain ng sardinas, tuyo at mangga na may bagoong. Dahil sa kanyang reaksiyon tuwing kumakain siya nito ay marami ang nambatikos sa kanya.
Matatandaang kagay ni Tito Mars, nakilala din si Rendon Labador sa kanyang paglalabas ng opinyon na marami ang tumaliwas. Naging dahilan ito upang pagkaisahan siya ng mga taong hindi natuwa sa kanya at kinalaunan ay nag-report sa kanyang mga social media page.
Matatandaang taong 2023 nang mabura ang Facebook page ni Rendon. Sa kanyang Instagram stories ay naibahagi niya ang pag-mass report daw sa kanyang Facebook page. Sa kabila nito ay sinabi ni Rendon na hindi siya titigil sa kanyang adbokasiya na patalinuhin daw ang mga Pilipino. Matatandaang nauna na ring natanggal ang kanyang TikTok page.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh