Bride na tumanggap ng parcel sa gitna ng wedding photoshoot, kinagiliwan online

Bride na tumanggap ng parcel sa gitna ng wedding photoshoot, kinagiliwan online

- Kinagiliwan online ang bride na nagawa pa ring mag-receive ng delivery sa kanya

- Ito ay sa gitna ng kanyang wedding photoshoot kaya naman nakunan din ng larawan ang pagtanggap niya sa parcel

- Nagulat na lamang ang bride nang biglang dumating ang delivery rider na naghahanap sa kanya at binabanggit na ang kanyang pangalan

- Dahil sa kapitbahay, natunton ng delivery rider ang bride na noo'y nasa venue ng photoshoot

Viral ang larawan ng isang bride na si Darlyn Guevarra-Ramos nang tumanggap siya ng parcel sa mismong araw ng kanyang kasal.

Bride na tumanggap ng parcel sa gitna ng wedding photoshoot, kinagiliwan online
Bride na tumanggap ng parcel sa gitna ng wedding photoshoot, kinagiliwan online (Madzhots/ Madz Caisip)
Source: Facebook

Ayon sa ABS-CBN News, kasalukuyan umanong isinasagawa ang wedding photoshoot ni Darlyn nang biglang dumating ang delivery rider.

Kwento pa ni Darlyn, ang kapitbahay niya ang nagturo sa delivery rider ng venue ng kanyang photoshoot.

Naghahanda na noon para sa seremonya ng kasal ang bride nang dumating ang rider na nagdala ng parcel na naglalaman ng desk organizer. Cash on delivery pa ang mode of payment nito kaya naman talagang hinanap siya ng naghatid.

Read also

Jericho Rosales, inulan ng papuri at komento sa kanyang 'sandal pader' pose

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, maging ang photographer umano na si Madz Caisip ay natawa na lamang sa eksenang pag-deliver ng rider na nakunan din nila.

Samantala, narito ang mga larawan mula sa photographer na si Madz Caisip ng Madzhots:

Sa nagdaang mga taon, kabi-kabila pa rin ang mga kakaibang kwento ng mga ikinakasal sa gitna ng kasagsagan ng pandemya.

Isa na rito ang kasalan nina Leziel at Julius Perea kung saan umabot sa Php1.8 million ang halaga ng mga natanggap nilang cash gift mula sa kanilang mga bisita. Kasama na rito ang isang milyong piso na mula naman sa kanilang mga magulang.

Hindi nalalayo ang kwento nina Leziel at Julius sa noo'y ikinasal sa Valenzuela City na sina Joven at May Jean Acosta nang makatanggap din sila ng Php1.2 million mula naman sa kanilang prosperity dance.

Read also

Luna Agoncillo, napansing bukas ang zipper ng pantalon ng daddy niya

Samantala, hinangaan din kamakailan ang bagong kasal na Php3,000 lang ang nagastos sa reception dahil minabuti nila itong ganapin sa Mang Inasal. Gayundin ang isang bride na dahil ayaw na ng magarbong kasalan, niregaluhan na lang siya ng lupain na may sukat na 6000 sqm na lote ng kanyang napangasawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica