Jericho Rosales, inulan ng papuri at komento sa kanyang 'sandal pader' pose

Jericho Rosales, inulan ng papuri at komento sa kanyang 'sandal pader' pose

- Kinaaliwan ang reaksiyon ng ilang personalidad sa post ni Jericho Rosales

- Ibinahagi ni Jericho ang kanyang pictures na inilarawan ng ilan sa kanyang kaibigan bilang 'sandal pader' pose

- Marami ang nagkomento sa kanyang kapogian sa kabila ng kanyang edad na 44

- Natawa naman si Jericho sa mga komento sa kanyang post

Ang aktor na si Jericho Rosales ay nagbahagi ng mga larawan sa kanyang social media na tinawag ng ilang kaibigan niyang 'sandal pader' pose. Ang naturang post ay agad na nagdulot ng nakakaaliw na reaksiyon mula sa ilang kilalang personalidad.

Jericho Rosales, inulan ng papuri at komento sa kanyang 'sandal pader' pose
Jericho Rosales, inulan ng papuri at komento sa kanyang 'sandal pader' pose
Source: Instagram

Marami ang nagkomento sa post ni Jericho Rosales, na pinupuri ang kanyang kagwapuhan sa kabila ng kanyang edad na 44 taon. Ang positibong pagtanggap at pagpapahalaga sa kanyang pisikal na anyo ay nagpapakita ng patuloy na paghanga ng mga tagasubaybay sa kanya.

Bukod sa mga papuri sa kanyang kagwapuhan, natawa si Jericho sa ilang mga komento na kanyang natanggap sa kanyang post. Kabilang sina Drew Arellano at Ryan Agoncillo sa mga nagkomento.

Read also

Cianne Dominguez, nagbahagi ng bagong post matapos ang pinagdaanan

"Bakit kapag ako sasandal sa pader, mukha akong ipis. Ikaw IPIS of artwork. Stop making us look bad!", hirit ni Drew.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Komento naman ni Ryan, "Yung napasandal ka nalang ng ulo sa pader sa sariling kapogian."

Si Jericho Rosales ay isang aktor, modelo at recording artist. Ikinasal siya kay Kim Jones na isa ring kilalang modelo. Ilan sa kanyang mga teleserye na sumikat ay Pangako Sa 'Yo (2000–2002), Sana'y Wala Nang Wakas (2003–2004) at Dahil May Isang Ikaw. Naitambal siya sa ilang leading ladies kagaya ni Kristine Hermosa at Heart Evangelista.

Isang maiksing video ang ibinahagi ni Jericho Rosales kung saan makikitang kasama niya ang mga aso sa tabing dagat. Nahagip din ng camera si Kim Jones na makikitang na nakasuot ng face mask at hawak ang tali ng dalawang aso. Hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata ng mga netizens ang tila umbok sa bandang tiyan ni Kim. Kasunod nito ay bumuhos ang pagbati sa mag-asawa dahil sa ispekulasyong nagdadalang-tao ang sikat na modelo.

Read also

Dennis Padilla, binalikan ang masasayang alaala niya sa mga anak

Matatandaang matapos lumabas ang bali-balitang buntis na ang si Kim Jones, isang panibagong video ang ibinahagi ni Echo. Taliwas sa naunang lumabas na video na tila may nakaumbok sa tiyan ni Kim, makikita sa panibagong video ang maliit na bewang nito. Marami sa mga netizens ang nabigla dahil marami ang umasa na sa wakas ay magiging mga magulang na ang dalawa. Gayunpaman, nauna nang nasabi ng mag-asawa ang kanilang dahilan kung bakit ataw pa nila magkaanak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel