Fynest China: "Bakit di po kayo makauwi sir Christian, ano pong reason?"
- Inamin ni Fynest China na scripted talaga ang kanyang pag-uwi sa Pilipinas dahil aniya ay nilalagyan niya ng entertainment ang kanyang content
- Gayunpaman, aniya ay hindi scripted na peke at wala din daw peke sa kanyang mga pa-give aways
- Ang mahalaga aniya ay nakauwi siya at kinita ang kanyang mga tagasuporta
- Tanong niya kay Xian Gaza, bakit daw ito hindi makauwi sa Pilipinas
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Pinaliwanag ni Fynest China na totoong scripted ang kanyang pag-uwi dahil aniya ay nilalagyan niya ng entertainment ang kanyang content para mapasaya ang kanyang tagapanuod. Sinabi niya rin na hindi scripted na peke at wala din daw peke sa kanyang mga pa-give aways.
Scripted ang pag uwi natin inaamin ko dahil nilagyan ko ito ng entertainment at para mapasaya ko viewers ko pero walang peke dun. HINDI SCRIPTED NA PEKE, AT WALA RING PEKE SA MGA GIVEAWAY NATIN.
Aniya, ang mahalaga ay nakauwi siya at nakipagkita siya sa kanyang mga supporters. Tanong niya kay Xian, ano daw ang dahilan na hindi ito nakakauwi.
Pero at least nakauwi ng pinas at kinita ko lahat ng nag mamahal sakin eh kayo po? bakit di po kayo makauwi sir christian ano pong reason?
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ang content creator na si Fynest China ay nakilala sa kanyang mga skit video noong pandemic. Kinalaunan ay lalong sumikat ang kanyang content matapos niyang gumawa ng mga content kaugnay sa mga humahamon sa kanya.
Minabuti ni Fynest China na magsalita kaugnay sa blind item ni Xian Gaza dahil aniya ay marami ang nagta-tag sa kanya. Sa naturang blind item ay sinabi ni Xian na ang medyo sikat na personality na kanyang tinutukoy ay kunyareng namimigay raw ng milyun-milyon sa kanyang chosen followers. Gayunpaman, binayaran lang daw nito ng 5K yung tao para magpanggap na may nareceive na 1M. Pinabulaanan ni Fynest China ito at sinabing nasa netizens na kung maniniwala sila kung siya nga ang pinatutungkulan ni Xian sa kanyang post.
Sinagot ni Fynest China ang post ni Xian Gaza kung saan binahagi nito ang kanyang video ng pagbili ng kotse. Ayon sa post ni Xian, hindi daw binili ni Fynest China ang sasakyan na pinakita nito sa video. Sa kanyang post binahagi naman ni Fynest China ang video na aniya ay ang naturang sasakyan na nasa kanilang garahe. Dagdag pa niya handa siya kung ano pa ang pasabog ni Xian at pinapasikat siya nito lalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh