Fynest China sa blind item ni Xian Gaza: "First of all hindi po tayo tinutukoy neto"

Fynest China sa blind item ni Xian Gaza: "First of all hindi po tayo tinutukoy neto"

- Minabuti ni Fynest China na magsalita kaugnay sa blind item ni Xian Gaza dahil aniya ay marami ang nagta-tag sa kanya

- Sa naturang blind item ay sinabi ni Xian na ang medyo sikat napersonality na kanyang tinutukoy ay kunyareng namimigay raw ng milyun-milyon sa kanyang chosen followers

- Gayunpaman, binayaran lang daw nito ng 5K yung tao para magpanggap na may nareceive na 1M

- Pinabulaanan ni Fynest China ito at sinabing nasa netizens na kung maniniwala sila kung siya nga ang pinatutungkulan ni Xian sa kanyang post

Pinabulaanan ni Fynest China na siya ang tinutukoy ni Xian Gaza sa kanyang blind item tungkol sa aniya ay medyo sikat na personality na kanyang tinutukoy ay kunyareng namimigay raw ng milyun-milyon sa kanyang chosen followers.

Fynest China sa blind item ni Xian Gaza: "First of all hindi po tayo tinutukoy neto"
Fynest China sa blind item ni Xian Gaza: "First of all hindi po tayo tinutukoy neto"
Source: Facebook

Sa naturang blind item ay sinabi ni Xian na binayaran lang daw ng personalidad na ito ng 5K yung tao para magpanggap na may nareceive na 1M. Pinabulaanan ni Fynest China ito at sinabing nasa netizens na kung maniniwala sila kung siya nga ang pinatutungkulan ni Xian sa kanyang post.

Read also

Xian Gaza, aminadong nanglito lang: "She is female since birth"

Sagot ni China, 1 milyon lang naman ang kaya niyang ibigay at hindi milyon-milyon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab Harake na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya. Pabiro naman siyang sinagot ni Xian na paalis na siya lalo kung dalawa silang susunod. Hindi man binaggit ni Xian ang pangalan kung sino ang tinutukoy niya, nagbiro ito ng tungkol sa viral na video na binahagi ni Bobby Ray Parks Jr. na sinusuklay niya ang buhok ni Zeinab.

Nagbahagi si Xian ng picture niya kasama si Angelica Yap na kilala bilang si Pastillas Girl. Sinagot niya ang mga komento sa kanya na balimbing daw siya dahil sa pakikipagkaibigan kay Angelica. Ito ay dahil sa kanyang pagiging malapit na kaibigan din ni Zeinab Harake na naglabas ng sama ng loob laban kay Angelica na dati niya ding malapit na kaibigan. Ani Xian, hindi siya makikisali sa gulo ng magkakaibigang ito at mananatili siyang isang tunay na kaibigan sa kanila kahit pa magkatampuhan ang magkaibigan.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel