Fynest China, pinatunayang binili ang luxury car na nasa video niya

Fynest China, pinatunayang binili ang luxury car na nasa video niya

- Sinagot ni Fynest China ang post ni Xian Gaza kung saan binahagi nito ang kanyang video ng pagbili ng kotse

- Ayon sa post ni Xian, hindi daw binili ni Fynest China ang sasakyan na pinakita nito sa video

- Sa kanyang post binahagi naman ni Fynest China ang video na aniya ay ang naturang sasakyan na nasa kanilang garahe

- Dagdag pa niya handa siya kung ano pa ang pasabog ni Xian at pinapasikat siya nito lalo

Sinagot ni Fynest China ang alegasyong hindi naman daw niya talaga binili ang luxury car na nasa kanyang video. Aniya, hindi naman niya kilala si Xian Gaza pero gumagawa daw ito ng storya.

Fynest China, pinatunayang binili ang luxury car na nasa video niya
Fynest China, pinatunayang binili ang luxury car na nasa video niya
Source: Facebook

Sa post ni Xian Gaza, sinabi nito na may lumapit daw sa kanya na nagsabing kilala daw niya yung manager ng car dealership at wala daw itong binili.

Read also

Fynest China: "Bakit di po kayo makauwi sir Christian, ano pong reason?"

Bilang patunay, binahagi ni Fynest China ang CCTV clip na aniya ay sa garahe nila kung saan makikita ang nasabing sasakyan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang content creator na si Fynest China ay nakilala sa kanyang mga skit video noong pandemic. Kinalaunan ay lalong sumikat ang kanyang content matapos niyang gumawa ng mga content kaugnay sa mga humahamon sa kanya.

Minabuti ni Fynest China na magsalita kaugnay sa blind item ni Xian Gaza dahil aniya ay marami ang nagta-tag sa kanya. Sa naturang blind item ay sinabi ni Xian na ang medyo sikat na personality na kanyang tinutukoy ay kunyareng namimigay raw ng milyun-milyon sa kanyang chosen followers. Gayunpaman, binayaran lang daw nito ng 5K yung tao para magpanggap na may nareceive na 1M. Pinabulaanan ni Fynest China ito at sinabing nasa netizens na kung maniniwala sila kung siya nga ang pinatutungkulan ni Xian sa kanyang post.

Read also

Fynest China sa blind item ni Xian Gaza: "First of all hindi po tayo tinutukoy neto"

Samantala, kmakailan ay naglabas ng pahayag si Xian Gaza kaugnay sa espikulasyong ladyboy daw ang kanyang fiancee. Aniya, hindi niya dine-debunk o pinapasinungalingan yung tsismis dahil aniya ay wala siyang nakikitang mali kung totoo man. Ang tingin daw niya sa mga babae at sa mga transgender ay iisa lang. Maging siya daw ay sinasabihang bakla pero hindi daw insulto para sa kanya ito dahil aniya ay walang mali sa pagiging bakla.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel