Keith Talens, ibinida ang new look ni Yaya Jina matapos niyang ipaayos ang ilong nito

Keith Talens, ibinida ang new look ni Yaya Jina matapos niyang ipaayos ang ilong nito

- Ibinahagi ng content creator na si Keith Talens ang video ng update sa pinaayos na ilong ng kasama nila sa bahay na si Yaya Jina

- Sa kanyang bagong vlog ay tinanggal na ang bandage at tahi sa pinagawang ilong ni Yaya Jina

- Hindi naman maitago ni Yaya Jina ang tuwa nang makita ang malaking pagbabago sa kanyang mukha

- Hindi pa man tuluyang naghilom yung maga ay masayang-masaya siya sa kinalabasan ng gawa sa kanyang ilong

Ibinida ni Keth Talens ang new look ni Yaya Jina matapos niyang ipaayos ang ilong nito. Umabot sa P250,000 ang nagastos sa operasyon ni Yaya Jina.

Keith Talens, ibinida ang new look ni Yaya Jina matapos niyang ipaayos ang ilong nito
Keith Talens, ibinida ang new look ni Yaya Jina matapos niyang ipaayos ang ilong nito
Source: Youtube

Sa kanyang bagong vlog ay tinanggal ang tahi sa ilong ni Yaya Jina matapos ang isang linggo. Masayang-masaya siya sa kinalabasan ng procedure at naiyak pa ito habang nagpapasalamat sa kanyang amo.

Hindi pa umiimpis ang maga sa mukha niya pero nagustuhan naman ni Yaya Jina ang kanyang new look. Maging ang netizens ay natuwa para sa kanya at bumilib kay Keith sa pagiging malapit nito sa kanilang kasambahay.

Read also

Xia Vigor, kinabiliban sa kanyang matatas na pagsasalita sa iba-ibang lenggwahe

Narito ang ilang komento ng netizens:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakakaiyak namn ang yakap na yun!❤ ganda na ni Yaya Jina
Grabeee iba tlaga nagagawa ng ilong sa face .. Im happy for ate Jina at thanks sir at mam napakabuti niyo po
Ang ganda ni yaya jina suwerte mo sa mga amo mo yaya jina kya mas lalong maraming blessings ang dumarating sa knila kc napakabuti nila

Matatandaang nakilala si Keith Talens sa mundo ng pagvo-vlog kasama ang kanyang pamilya at mga kasambahay at empleyado. Ang kanyang YouTube channel ay mayroong subscribers na umabot sa mahigit tatlong milyon.

Matatandaang nagkaharap na ang driver ng YouTuber na si Keith Talens at guard sa viral video. Makikita sa viral video ang pambubugbog ng driver na si Mang Jun sa guard na pinangalanang si Harold Domer. Desidido naman ang guard na ituloy ang kaso sa driver pati na rin sa vlogger na tinuturong nag-udyok sa driver. Napagpasyahan ni Raffy Tulfo na isailalim ang dalawa sa lie detector test para makatulong sa pagtukoy kung nagsasabi sila ng katotohanan.

Read also

Antonette Gail, sinagot ang mga negative comments sa kanya

Binahagi ni Andrew Schimmer sa kanyang Facebook post na pinasok na rin niya ang pagbebenta ng beauty products. Kasama niya sa naturang negosyo si Keith Talens sa isa niyang post. Marami naman ang nakapansin sa binahagi niyang picture na hindi kagaya sa mga pictures niya nitong nakaraan. Kapansin-pansin na nakangiti na ito at marami sa kanyang mga followers ang masaya na nakikitang unti-unti nang nakakabangon ang aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel